Pagkalabas ko ng main gate para sana makauwi na ay nakita ko si Arche na nakasandal sa kotse niya na nasa kabilang kalsada. Nakatingin siya saakin. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang papunta doon sa may bus stop. Pagkaupo ko doon ay nabigla na lang ako ng makita ko na siyang naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.
Tsk. Ano na naman kaya ang kailangan niya?
"Where do you think you're going?" tanong nito.
"Saan nga ba? Malamang uuwi na." sabi ko at inirapan siya.
"You still can't go home, we have to plan what will we perform for PE on Monday." sabi nito.
"Huh? Anong i-peperform?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Tsk. the first practicum, remember?"
Naalala ko naman 'yung ini-announce saamin noong PE teacher namin noong tuesday. Required kaming magperform para sa first practicum namin. Kahit anong related daw sa rhytmic activity...
"So what's your plan?" tanong ko sa kaniya.
"This isn't the right place to talk about it. Let's go" sabi nito at hinawakan na ang kamay ko at hinila ako.
Pilit kong hinihila 'yung kamay ko pero as usual mas hinigpitan niya lang ang kapit. Napatingin din yung ibang mga estudyante saamin.
Hinila niya ako papunta doon sa sasakyan niya at pilit na itinulak ako papasok."Ano ka ba? Kanina kinaladkad mo ako tapos ngayon itutulak-tulak mo!" sigaw ko sa kaniya. Pero hindi siya umimik at pumasok na doon sa driver's seat.
Nag-umpisa na siyang magdrive at ako naman ay nanahimik na lang. Nakarating kami sa isang cafe. Bumaba na siya ng kotse."Anong gagawin mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm thirsty, let's grab some drinks"
Bumaba na siya ng kotse niya..
"Ikaw na lang, hindi ako nauuhaw" sabi ko. Pagkasabi ko no'n ay agad niyang binuksan yung pinto ng kotse sa may inuupuan ko at yumuko..
There again my heart went crazy as the gap between us became smaller.
Tinanggal niya na yung seatbelt ko at inilapit ang kaniyang mukha sa aking tenga.
"Should I carry you?" bulong nito. Nanindig ang balahibo at napalunok na lamang ako ng laway ng maramdaman ko ang pagdampo ng kaniyang hininga sa aking tenga.
Umiling-iling na man ako sa kaniya kaya dinistansya niya na ang kaniyang sarili at sa wakas ay nakahinga na ako..
Umalis na siya at pumasok sa cafe. Sumunod na lang ako agad sa kaniya at baka ano naman ang maisipan no'n.
Pagkapasok ay umupo na kami doon sa may gitna na pang double customer lang. Lumapit naman yung waitress saamin."Sir, what's you're order?"
Tsk. ang harot din ng waitress na'to eh. Kung makapag-beautiful eyes kala mo napuwing.
"1 latte, large" sagot nito.
"I'd like one milktea and fruitcake" sabi ko naman. Nakabusangot naman itong isinulat 'yung order ko..
"So, what's our plan? I really don't want to dance 'no" tanong ko sa kaniya.
"Neither do I" sabi naman nito.
"At saka hindi pa ako sumayaw sa harap ng maraming tao. So I'm not confident that I can pull it off." sabi ko.
"Are you sure about that?"
Natigilan ako sa tanong niya dahil naalala ko yung nakasayaw ko siya noong Acquiantance party. Tsk, is he teasing me? Di ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya, buti na lang ay dumating na yung order namin.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...