Chapter 28: First? Kiss

32 5 0
                                    

September 24, 2019, the last day of Midterm examination. Dahil sa sobrang stressed at wiped out na ang aking brain cells kakasagot sa madugong exam namin para sa subject namin kaninang umagaay nakaramdam na ako ng sobrang antok.

Mag-isa ako ngayong nakaupo sa bench na nasa tapat ng music department. Dito na lang namin napagpasyahan ni Kelsey na maglunch since na late na kaming nakarating sa canteen at sobrang dami na ng tao. Kasalukuyang nasa banyo si Kelsey at ako naman ay naiwan para sa kung sakaling dumating na ang inorder namin ay ako na lang ang tatanggap.

Napapikit na lang ako dahil sa di mapigilang antok at dahil na rin sa maliit na sinag ng araw na nakakasilip sa mga dahon ng puno na kung saan nakapwesto ang bench na inuupuan ko..

Habang nakapikit ang aking mata ay muli ko na namang narinig ang tunog ng piano mula sa music department, yung piece na napakapamilyar sa akin. I just hummed habang pinakikinggan ang pagtugtog nito at nanatiling sarado ang aking mga mata...

"Maria Carmina.." narinig ko ang boses ni Luna dahilan para sa mapamulat ako ng aking mga mata.. Nawala ang antok ko.

Nang maimulat ko ang aking mata ay hindi si Luna ang aking nakita kung hindi si Arche. He was standing right in front of me. Kaya pala hindi ko na naramdaman ang sinag ng araw dahil sa nakaharang siya..

"A-anong sabi mo?" tanong ko rito..

Did he just called me Maria Carmina? It can't be.. Malamang guni-guni ko na naman iyon..

He looked at me with a confused expression painted on his handsome face..

"ahh.. w-wala.." muli kong wika sa kanya.

"Move" ani nito..

I was startled and confused at first pero na-realized ko din ang ibig niyang sabihin kaya umusod na ako sa left side ng bench. Umupo naman siya agad doon sa inuupuan ko kanina, at ngayon siya naman ang naaarawan na.

"Uhm.. A-Arche move a little to the right mainit oh" nag-aalangang sabi ko sa kaniya..

Ngunit hindi siya umimik at hindi rin siya umusod, kaya naman ay hinayaan ko na lamang siya. Ramdam ko ang pagdikit ng mga braso namin kaya bahagyang umusod ako ng kaunti palayo sa kaniya at baka magka-heart attack ako nito.

Why is he sitting here? Mapapatrouble na naman ako sa fiancee niya nito. Baka mamaya tuluyan na akong patayin ng mga iyon.

"You look like her" napatingin ako dahil sa sinabi niya..

"H-ha?" nagugulumihanang tanong ko sa kaniya..

Lumingon siya saakin at ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago niya tugunan ang aking tanong sa kaniya..

"Maria Carmina.." wika nito..

Napaiwas ako ng tingin na sa kaniya ng banggitin na niya ang pangalang ito..

"Ahh.. you mean, you're lola?"

"I don't want to call her lola" muli akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon..

"Ha? eh ano ba ang gusto mong itawag sa kaniya? Mamita? grandma? grandamamita--" natigil ako sa pagbibiro sa kaniya nang may sabihin niyang..

"Maria Carmina.. She's just Maria Carmina and will always be Maria Carmina.." deretso siyang nakatingin sa aking mga mata

Napataas ang kilay ko dahil sa hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

Kung banggitin niya ang pangalan na iyon ay parang kilalang-kilala niya ito. Of course, kilala niya since asawa si Maria Carmina ng kapatid ng lolo niya, pero iba pa rin yung dating saakin ng pagkakasabi niyang iyon..

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon