Chapter 1: Suicidal

243 13 0
                                    

(June 17, 2019)

Tahimik akong naupo sa sahig ng aking madilim at makalat na silid na ang tanging nagsisilbing ilaw lamang ay ang sinag ng bilog na buwang maaaninag sa nakabukas na bintana ng aking kwarto. Ramdam ko ang paghaplos ng puting kurtinang sumasayaw sa hangin na para bang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Sa loob ng apat na sulok na aking silid ay muli ko na namang naramdaman ang sobrang pagdurusa. Napatingin ako sa mga ipininta kong larawan ng buwan na nakalagay sa isang frame at nakasabit malapit sa pinto ng aking kwarto.

Hinaplos ko ang mga ito habang inaalala ang mga araw na tuwang-tuwa akong ipinipinta ang mga ito.
Napatingin ako sa may study table ko sa may bintana habang inaalala ito.

Isang sampung taong gulang na Naomi ang may malapad na ngiti sa kaniyang labi habang may iginuguhit sa isang papel...

"Wow, ang ganda naman ng painting mo Naomi!" sabi ni Mommy habang inilalapag sa lamesa yung gatas at cookies..

"Mommy, pag laki ko po gusto ko maging astronaut. Tapos po pupunta tayo ng buwan at doon tayo titira" sagot ko naman kay Mommy.

"Naku, eh kung ganoon kailangan talaga ni Mommy magwork para makapag-astronaut ka.."

Kitang-kita ko ang mga ngiti ko noon.. I was so happy back then.

I was once in love with the brightness of the moon pero hindi ko na alam when did I start to loath it. Nilapitan ko ang mga paintings ko at pinagbabasag ito isa-isa.

Kasabay nito ang marahas na pagkatok ni Mommy sa aking pinto.

"Anak? Naomi? Anong nangyayari? Buksan mo'tong pinto!"

Nagbingi-bingihan ako sa pagtawag ni Mommy sa akin at bumalik sa may bintana.

"Are you lost?"

Nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Ang sabi ko, nawawala ka ba?"

Yeah, I think nawawala ako sa sarili ko.

"... kasi ako, I think I'm lost. Nasaan ba ako?"

"T*ngina! Nasa isip pa rin kita and I hate it!!! Can't you just fucking leave me alone, even just for tonight!?"

I screamed my frustration as I stared darkly at the full moon at ipinagtatapon ko ang gamit nasa may lamesa na nasa harapan ko. Napaupo na lamang ako habang pinagmamasdan ang nabasag na vase.

Ano bang nangyayari saakin? Why do I feel so much pain? Ano bang nagawa kong kasalanan at bakit pinaparusahan ko ang sarili ko?

I feel so much guilt, it seems like I blame myself for something na hindi ko naman alam kung ano. I feel lost and I feel so broken.

"Naomi please open the door"

Mas lumakas pa ang pagkatok ni Mommy sa pinto.

"Don't call me that fucking name!!!" I yelled.

"Okay fine, just open the door Mirra please" Pagmamakaawa ni Mommy pero hindi ko siya pinakinggan.

"I can't take this anymore..." Kinuha ko ang isang piraso ng matulis na parte ng nabasag na vase at tinitigan itong maigi.

"Okay Demirra, end it now." I said to myself.

Tumayo ako at muling tinitigan ang buwan.

"Ito ba ang gusto mo ha? Pagbibigyan kita!" Kasabay ng pagbitaw ko ng mga salitang iyon ay ang paghiwa ko sa aking pulsuhan. Parang baliw akong napatawa habang tinitingnan ang pagtulo ng aking dugo. I feel so numb at hindi ko maramdaman ang hapdi ng sugat ko.

Unti-unti na akong nakaramdam ng pagkahilo at napaupo na lang sa sahig.
Does it really makes sense na mas masakit pa ang dibdib ko dahil sa sama ng loob kesa sa paghiwa ko saking kamay? Sa bawat pagpatak ng dugo ko ay unti-unti ring nawala ang bigat na nararamdaman ko saking dibdib.

"Rest well Demirra you already paid off your debt, wala ka nang mararamdaman pang sakit" sabi ko sa sarili ko at tuluyan nang dumilim ang paligid.

Sa gitna ng dilim ay biglang sumulpot ang lalaking lagi kong napapanaginipan. Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong ngunit ang pinakakapansin-pansin sa kaniya ay ang kaniyang asul na mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero, I got the feeling na para bang kilala ko siya and he was something na napakahalaga saakin.

Unti-unti siyang lumakad palapit saakin. Rinig na rinig ko ang bawat hakbang niya palapit saakin. It gets louder and louder habang palapit ng palapit siya saaking kinauupuan. He stopped right in front of me at ngumiti. Yung ngiti na dahilan ng muling pagbuhos ng aking mga luha.

"I'm sorry" Usal ko kasabay ng aking pagtangis.

Di ko batid kung bakit ko hinihingi ang kaniyang kapatawaran. Niyukom ko ang mga kamay ko and I repeatedly hit my chest with it. Pakiramdam ko anytime sasabog ang dibdib ko dahil sobrang lungot at sakit. Hinahabol ko ang aking hininga at tanging lumalabas lang sa bibig ko ay ang paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa kaniya.

Sa gitna ng aking pagtangis may sinabi siyang nakapagpatahimik sa akin.

"I finally found you. 'Wag ka nang mawawala pa at baka hindi na kita muling mahanap ."

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay unti-unti na akong nakaramdam ng pagkahilo. I hardly tried to stop myself from passing out. Nang pangatlong kisap ng aking mga mata ay hindi na siya ang aking nakita.

Sa umpisa ay medyo malabo pa at wala akong makita pero matapos ang ilang minuto ay unti-unting naging malinaw na ang aking paningin. I can see clearly now the white ceiling. That's when I realized that I finally got my senses back.

I turned my head left and saw Mom who's sleeping habang hawak-hawak niya ang kaliwang wrist na hiniwa ko kanina. Napabuntong hininga na lamang ako habang awang-awa kay Mommy. My mom carried me in her womb for 9 months, she sufferred from so much pain sa panganganak at 19 years niyang ginampanan ang pagiging isang hardworking single mom buhayin lang ako yet here I am stupidly tried to kill my self again for the nth time.

"I'm sorry Mommy"

Tuwing full moon I face the guilt of something unknown at tuwing bumabalik na ako sa aking katinuan I suffer from the guilt dahil sa nasasaktan ko rin si Mommy unintentionally dahil sa kabaliwan ko.

Bahagyang narinig siguro ni Mommy ang sinabi ko kaya siya ay nagising. Agad na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata nang makita niya na gising ako.

"Anak pinag-alala mo na naman ako" sabi ni Mommy sabay yakap ng mahigpit saakin.

"Mirra please promise me na you won't do it again. Please anak, I'm begging you"

Napatulo na lamang ang luha ko. I know in myself that I can't promise her that.

Bumitaw na si Mommy sa pagkakayakap sa akin nang may kumatok sa pinto. Iniluwa nito si Haedeth, ang nag-iisang kaibigan ko.

"Maiwan ko na muna kayo, I have to make a call" Sabi ni Mom at tuluyan nang umalis ng kwarto.

"Naomi.."

"It's Demirra..." Matabang na sabi ko habang nakatingin lamang sa kisame.

"Okay fine Demirra, what is the matter with you? Pang ilan na'to? Pang lima na Mirra!"

That's my Haedeth, daig pa si Mommy kung manermon.

"Oh? Talaga? I lost count of it eh" I said sarcastically.

"Mirra please open up to me whatever's bothering you, if you can't tell your Mom, you can tell me and I will listen" Sabi nito sabay hawak sa kanang kamay ko dahilan para mapatitig ako sa kanya.

You don't know how much I want to tell you about it. But ano bang sasabihin ko? Even I myself can't understand what's happening to me, so I don't expect others to undrestand me as well.

Napabuntong hininga na lamang siya nang wala siyang matanggap na sagot mula saakin.

"Okay let me change the question... Bakit?"

Napatitig lalo ako sa mga mata niya na labis ang pag-aalala.

"...Bakit mo kailangang gawin 'yon?"

Natawa ako sa tanong niya dahilan para mapakunot ang kaniyang noo.

"You think this is funny?" May galit sa tono ng kaniyang pagtatanong.

"Yeah, haha it's so funny" sabi ko with a laugh between my lines..

He looked more confused because of how I respond to him.

"It's funny 'cause even I, myself, don't know the answer to that" I laughed, but my tear started to fall down to my cheeks.

"Haha, I swear it's damn funny Haedeth... its..."

...funny

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako nang mahigpit. His comforting hug made me cry more. No matter how hard I tried to stop my tears from falling down hindi ko magawa...

"Mirra, don't ever hurt yourself because you just end up hurting more the people who care about you, please don't be selfish" He whispered as he patted my back.

"I d-dont know what to do Headeth.. This... this sadness is too much for me..." nauutal kong sagot sa kaniya.

Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin ngunit nanatili ang dalawang kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat.

"Please do me a favor Naomi, I mean Mirra. Be happy... Even just for once"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isagot ko sakanya. Kahit nama being happy is a choice I don't think I can be happy. It's as if I was really destined to be stucked on an unsolved misery.

Umayos na siya ng tayo at tiningnan ang relo niya.

"I gotta go now, it's already 4:30 kelangan ko pang sunduin si Brianne, alam mo naman yun ayaw niyang pinaghihintay siya. I'll call you later okay?" pagpapaalam ni Haedeth. I just nod at him.

Paalis na sana siya pero napahinto siya nang tawagin ko siya.

"Haedeth"

"... may sagot na ako"

Muling napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"About sa favor na hinihingi mo, I don't think I can do it. You see... I'm too busy handling the pain, I don't have time to be happy."

"Well, if that's the case, you have to be strong for you to be able to handle it. You can't just give up just like what you did kanina. You are not alone Naomi, you have me and your Mom." He flashed a bright smile at the end of his sentence at tuluyan nang umalis.

I've been handling the pain for a long time, why can't I rest?

After ng ilang minuto na nakatulala lang sa kisame I decided na maglakad-lakad na muna sa labas. Masyadong nakakabagot sa loob ng kwarto and I feel suffocated sa amoy ng airconditioner. Bumaba na ako ng hospital bed at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko. Wala mang saplot sa paa ay nagpatuloy pa rin ako palabas ng kwarto.

Walang tao sa hallway, siguro dahil sa private ang mga kwarto dito. Matapos ang ilang hakbang mula sa kwarto ay napasandal na ako sa pader dahil sa panghihina. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko ang isang lalaking pamilyar.
Nakatalikod man siya ay alam kong siya yung lalaking nasa panaginip ko. He's wearing a black shirt, jeans at black na sneakers.

"Sandali..." pagtawag ko pero nag-umpisa na itong maglakad palayo sa akin.

Nanghihina man ang aking mga tuhod ay sinubukan ko siyang habulin.

"Luna!" Muli kong pagtawag sa kaniya ngunit parang hindi niya ako naririnig at patuloy lamang siya sa paglalakad.

Hapong-hapo na ako kakahabol sa kaniya...

"Naomi!" Rinig kong tawag ni Mommy pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa napasalampak na lamang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina.

"Anak! Sa'n ka ba pupunta?" sabi ni Mommy habang tinutulungan akong tumayo.

Hindi ko siya sinagot bagkus ibinalik ko ang atensyon do'n sa lalaki pero wala na siya.

"Mom, s-si Luna, kelangan... kelangan ko siyang habulin" sabi ko at muling nagpatuloy sa paglalakad pero natumba akong muli.

"Anak! Ano bang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Mom, si Luna, kaylangan ko siyang habulin" Maluha-luhang sabi ko kay Mommy.

"Sino ba si Luna?"

Natauhan ako sa tanong ni Mommy.

Luna? Sino ka nga ba Luna?

-END CHAPTER

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon