Chapter 33: Am I Real

22 4 0
                                    

Buong game ako nanuod ng event ni Arche at todo cheer pa ako sa kaniya, ngayon na ako naman ay may event he's nowhere to be seen. Oh well, what can I expect from an engaged man.

Andito na ngayon ako sa oval kasama ang mga kalaban ko para sa race. kailangan maganda ang performance ko ngayon kundi magkakaroon ako ng markang tres sa card ko. Natalo kasi kami sa volleyball so this is my only chance.

"Aiishh even Kelsey is nowhere to be seen.."

"Athletes, to your position now, we'll start the 300 m dash sprint" Walang gana na lamang akong pumwesto kasabay yung ibang students na kalaban ko sa event na'to.

"On My Mark!!"

You can do this Mirra.. Pomosisyon na ako at handa na para tumakbo ng mabilis sa abot ng makakaya ko..

"Ready, Get Set...."

*PPPRRRRRRTTTTTTT

Agad na kumaripas na ako ng takbo nang hipan na ang pito. 300 meter is very short so dapat mabilis talaga ang pagtakbo mo, The sport don't measure your endurance, it's your speed na tine-test ng game.

Kasalukuyang pumapangalawa ako sa nangunguna ng race. Kaya't mas binilisan ko pa para maunahan ito. However, bago ko pa man nagawang maunahan yung nangunguna sa amin ay ...

"Aray!" napangiwi na lamang ako sa sakit ng madapa ako..

Pagkatingin ko sa sapatos ko, untied na yung shoe lace ko.. Unti-unti na akong nawalan ng pag-asang makahabol pa. Everything went slow mo as I saw the other athletes na nilagpasan na ako..'

Nabaling ang mata ko ng makita ko si Arche na nanunuod ng tahimik sa gilid..

"Get up stupid" hindi ko alam kung bakit parang narinig ko ang boses ni Arche.

Pero thanks to that agad akong nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo at tumakbo kahit pa mahuli na ako..

Agad ko nang tinanggal yung isang sapatos ko na natanggal ang pagkakabuhol ng sintas at tumakbo ng iisang sapatos lang ang nasa paa..

I was able to finish the race. Third ako.. Third from the last nga lang...

Napaupo na lamang ako sa race track ng makalagpas na ako sa finish line..

Grabe, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Napapikit na lang ako at dinamdam ang pag-ihip ng hangin na humahaplos sa aking mukha.

"Not bad"

Iminulat ko ang aking mata ng marinig ko ang boses ni Arche. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ito at hawak-hawak niya yung sapatos kong iniwan kanina.

He kneeled down and grabbed my barefoot.

"A-Ako na lang" sabi ko. Pilit kong inagaw ang sapatos ko pero hindi niya ito binigay..

Tinanggal niya yung medyas sa paa ko dahil marumi na ito at isinuksok na sa paa ko yung sapatos ko..

"Don't look at me like that. You're not Cinderella" sabi nito habang nakatingin ng deretso sa sapsatos ko at tinatali ang sintas ko.

"I am Cinderella.." seryosong sagot ko rito at napatingin naman siya saakin dahil rito.

"Then, am I the Prince?" he asked as he looked at me with full of emotions painted in his gray eyes..

"Tsk.. Hindi ka ba nanuod ng Cinderella? Hindi naman yung prince ang nagsuot ng sapatos sa kaniya! It was the grand duke! Duh?"

Inirapan ko na siya at umayos na ng tayo.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon