Chapter 24: Bed Of Roses

29 6 0
                                    

"May the full moon let our paths cross again."

Nagising ako matapos na marinig ang boses ni Arche. Psh, it's Luna pala. Nang maimulat ko ang aking mata ay nasa kwarto na ako. Pa'no ako nakauwi? Panaginip lang ba yung kagabi? Bigla kong naalala yung sobre na napulot ko kagabi. Tumayo ako at nagpunta sa may study table ko kung nasaan yung shoulder bag na dala ko kagabi. Hinalungkat ko ang kasuluksulukan nito pero wala akong nahanap na sobre. That must've been a dream.

"Anak, gising ka na pala" napalingon ako kay Mommy na nasa pinto ngayon at may dalang pagakain sa isang tray.

"Mom, what happened kagabi?" tanong ko rito at bumalik na sa kama at umupo.

"Hayy.. natagpuan ka ni Kelsey na nakahandusay na doon sa madilim na part ng university. Ano bang ginagawa mo doon? Alam mo bang ilang oras kaming naghanap sayo" sabi niya at inilapag yung tray sa tabi ko.

"You mean doon sa puno?" tanong ko muli. Tumango naman si Mommy.

So does that mean na hindi panaginip 'yun? Pero come to think of it, how did I get myself in there in the first place? Nagawa kong tumawid doon sa puro rosas?

"Kumain kana, pupunta kaba mamaya para sa grand performance niyo?"

Ahh oo nga pala muntik ko nang makalimutan, ngayon ang foundation day at magpeperform pa kami mamaya.

"Ahh opo" sagot ko na lang.

Umalis na si Mommy at naiwan akong tulala. Napatingin ako sa kalendaryong napatong sa bedside table ko.

"September 14, 2019"

Muli kong naalala na ito rin yung date na nakalagay sa labas ng sobre. Gaya din ito noong nakaraang sobre. Yung date din niya ay nakatapat sa mismong araw kung saan nakatakda rin ang full moon. Wait? Magta-time travel na naman ba ako? Wait, let's not jump to conclusions, baka naman coincidence lang yung last month, it's not new naman para saakin na managinip ng mga werdong bagay.

But no matter what, I have to find answers para sa hindi malamang kabaliwan na'to.

Nag-umpisa na lang akong kumain at nag-ayos na rin para makapunta ng university. For sure may final briefing at rehearsals kami ngayon.

***

Pagkarating ko ng main gate ay ang una kong nakita ay si Arche na kasama yung fiancee niya. Tsk. they must've been so happy that they can spend time with each other.

Habang naalala ko yung scene na hinalikan siya ni Adillaine ay mas lalo lang akong naiinis. Hindi sa kanila, kundi sa sarili ko. I made a fool of myself for falling in love with a guy like him. Agad akong napaiwas ng tingin ng magtagpo ang aming mata. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Nang muli kong ibalik ang tingin ko kanila ay nagulat na lamang ako ng makita ko si Arche na naglalakad na papunta rin sa direksiyon ko.

No, hindi siya papalapit saakin.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko at mas binilisan pa ito. Nang malapit na ako sa music department building ay bigla na lang..

"Mirra!" tawag niya sa pangalan ko.

Let's just ignore him okay? At isa pa, baka hindi ako yung Mirra na tinutukoy niya. 'Wag tayong assuming, or else I'll end up falling out of love again.

"Mirra" this time napahinto ako dahil sa hinila na niya ang braso ko.

"O-Oh ikaw pala A-Arche" nauutal na sabi ko sa kaniya. Hindi ko nagawang makatingin ng deretso sa kaniyang mga mata.

"Why did you come here? Are you feeling well?" tanong nito.

"Ahh, oo ayos lang ako"

tsk. now he's acting worried after niyang makipaglaplapan sa ibang babae kagabi. Ay hindi pala, ako pala yung 'ibang babae'.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon