Nagising na lang ako na nasa loob na naman ako ng university clinic. Una kong nakita si Haedeth na nakaupo lang sa tabi ng kama.
"Mirra are you okay?" tanong ni Haedeth ng mapansin niyang gising na ako..
"What happened?" tanong ko. At umupo na ako..
"Nagkaroon ka ng sleep attack and at the same time umatake rin ang allergy mo ng malanghap mo ang amoy noong red rose. Bwesit na babaeng iyon, nakalusot dahil sa may connection siya sa chairman ng university."
"Don't tell Mommy" sabi ko at bumangon na at kinuha ang bag ko na nakapatong sa lamesa.
"Pero Mirra.."
"Please Haedeth.." wala na siyang nagawa kundi hayaan na lang ako.
Sabay na kaming lumabas ng clinic."Nakakainis rin yung lalaking boyfriend no'ng babae, hindi niya man lang din inawat yung girlfriend niya"
Muli kong naalala ang nangyari kanina. Who's that guy? Kambal ba siya ni Luna. Sigurado naman kasi akong hindi siya si Luna kasi iba talaga nang kulay ng mata nila. Luna has blue eyes pero yung lalaki kanina gray yung mga mata niya.Hindi ko napansin na nakarating na pala kami ng parking lot dahil sa sobrang pag-iisip.
"Mirra okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Haedeth.
"Oo naman" deretsong sabi ko at agad nang pumasok ng kotse. Pumasok na rin siya ng kotse at nagstart ng magdrive.
"Si Brianne nga pala nasaan?" Tanong ko..
"Pinauwi ko na lang dahil nga sa nangyari kanina. Alam mo bang ang laki ng eksenang kinasangkutan natin kanina. Muntik nang masira ang orientation." sagot naman nito habang nakafocus lang sa pagdridrive.
"Tsk. tingnan mo, ayan yung dalawa.. ang sarap sagasaan" Napalingon ako sa itinuro ni Haedeth. Nakita ko sa right side ko yung babae at yung kamukha ni Luna na nkaupo sa may bumper ng race car na pula.
Napatitig lang ako doon sa lalaki. Tinted naman ang kotse ni Haedeth pero kung makatingin yung lalaki saakin para bang nakikita niya rin akong nakatitig sa kaniya.
Hanggang sa makalagpas kami sa kanila ay hindi ko nilubayan ng tingin yung lalaki. This isn't right. It's not Luna, kaya I shouldn't feel this way.
"Gusto mo bang sa McDo na lang tayo maglunch?" Tanong ni Haedeth as he shortly glanced at me.
"'Wag na, I'm tired" Sagot ko naman sa kaniya at isinandal ko na ang ulo ko sa headrest.
***
Pagkarating ng bahay ay agad na akong dumeretso sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain at gusto ko lang matulog.
Haay.. hindi ko pa rin makalimutan ang lalaki na kamukha ni Luna. Sino ba ang lalaking iyon? Kambal ba siya ni Luna?"Anak, may mail palang pinadala sa'yo. Di ko alam kung saan galing." sabi ni Mommy sabay pasok sa kwarto ko. Umupo ako at kinuha ang isang sobre na iniaabot ni Mommy. Pagkatapos ay agad nang umalis si Mommy ng kwarto ko.
"Huh? Kanino naman 'to galing?" Tiningnan ko ang nakasulat address lang ng bahay namin at pangalan ko ang aking nakita. Bubuksan ko na sana ang sobre kaso napansin kong may nakasulat na date sa upperright corner nito.
"Agosto 16, 2019" Huh? That's sixteen days pa from now? Bakit may isinulat silang date dito?
Pinunit ko na ang sobre at kinuha ang papel na nasa loob nito. The paper was so weird and it looks very old. Inamoy ko rin ito at amoy libro siya na napag-iwanan ng panahon. You know what I mean. Magaspang ito at medyo makapal. Binuklat ko na ang nakatuping papel para sana mabasa ang kung ano mang nakasulat rito.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...