(July 15, 2019)
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas pero sa loob ng dalawang linggong iyon pakiramdam ko ay mas naging normal ako at hindi na ko na napapanaginipan si Luna. Simula no'ng huling panaginip ko sakanya ay parang I'm disappointed na hindi ko siya nakikita sa mga panaginip ko kahit pa tulog lang ako ng tulog.
Andito na muli ako sa Del Valle University, nakatitig na naman sa puno na napapalibutan ng mga pulang rosas.
"Hoy babae!" Halos mapalundag ako dahil sa sobrang pagkabigla sa pagsulpot ni Haedeth.
"... tapos na ba ang interview mo?" Tanong niya.
"Ahh oo kanina pa" sabi ko at sabay balik sa tingin doon sa puno.
"Oh ano na naman yang tinitingnan mo? Talaga bang gusto mong makasuhan ng trespassing?" Sabi ni Haedeth nang mapansin niya ang pagtitig ko sa puno.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tsk. Masama bang tumingin?" sabi ko at inirapan siya.
"Ano ba kasing tinitingnan mo diyan? Wag mong sabihin yung mga roses eh allergic ka sa bulaklak."
"Wala! Chismoso, kumain na nga lang tayo. Libre mo ang daldal mo kasi" sabi ko at hinila na siya patungo sa may parking lot na hindi naman kalayuan mula rito sa hallway.
"Ikaw talaga, ang galing mo talagang humanap ng rason para mailibre ka lang." Reklamo naman nito sabay kamot sa batok niya.
"Ahh so nagrereklamo ka ngayon?" Huminto ako sa pagkaladkad sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi po mahal na prinsesa..." sarkastikong sagot nito habang nakangiti ng pagkalapad-lapad at halos nakapikit na ang mga mata. (hindi ko pa pala nasabi sa inyo, Haedeth is half-korean and half pinoy)
"Yun naman pala eh" sabi ko at hinila siyang muli.
"Haedeth!" Napatigil kami nang humarang na naman ang fiancee niya. Ba't ba ang hilig nitong humarang sa daan.
"Treat me to lunch" sabi nito. Haha wagas makapag-utos. Daig pa ako nito kung magpalibre eh.
Kinuha ni Haedeth sa bulsa niya ang cellphone niya at may tiningnan...
"Why would I do that?" Mataray naman na sagot ni Haedeth.
"Because you're my fiance." sagot naman nitong si babae.
"Alam kong parso na ang linyang 'to pero uulitin ko. I only follow the orders of my Dad." sabi nito at ngayon naman eh ako na ang hinila niya.
"teka may line rin ako no.." Haedeth gave me that weird look.
Muli akong lumapit kay Brianne na anytime pwedeng mambuga ng apoy..
"Narinig mo ba yung sabi niya Bri, next time kasi ang sabihin mo sakaniya, 'Because I am your dad' try mo baka ilibre ka na ha?" sabi ko habang pigil ang tawa at lumapit na kay Haedeth...
"AAARRRRRRGGHHHHHH I HATE YOU!!!"
"Pfffttt... HAHA Tangina nito, lakas ng trip mo no" Tawang-tawa na sabi ni Haedeth.
"Haha, ang sarap niya kasing asarin, atsaka ikaw kasi napakapakipot mo, pa hard to get kapa kay Brianne eh alam ko namang sinasabi mong childhood crush mo. Diba? Naalala mo nung first year tayo tas sabi mo may gusto kang babae na kababata mo tapos magkaibigan ang parents niyo? Sus kunware kapa" sabi ko sakaniya.
"Bakit magkaibigan naman diba ang mommy mo tsaka sila Dad?" sabi niya in a serious tone at nauna nang pumasok kotse niya kaya binilisan ko na rin ang lakad at umupo na rin sa front seat.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...