Sumibol na ang kabilugan ng buwan ng gabi ng ika-labing apat ng Hulyo. Ngunit wala akong nagawa kung hindi magmaktol at umiyak na lamang dahil sa hindi ko matutupad ang pangako ko kay Luna na makipagkita sa kaniya ngayon. Nalaman na ng Heneral ang lihim na pakikipagkita ko sa kaniya mula pa noong gabi ng Hunyo katorse, ngunit mabuti na lamang ay hindi niya naabutan si Luna noon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang nangyari noong gabing iyon.Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Luna nang bigla ko na lamang marinig ang pagtawag sa aking pangalan ng heneral dahilan para mataranta ako.
"L-Luna, kailangan mo nang umalis andyaan na ang aking ama. Mukhang alam na niya ang palihim kong pakikipagkita sayo" saad ko sakaniya.
"Sa susunod na kabilugan ng buwan maaari bang tayo'y muli magkita?" Tanong niya naman saakin.
"H-hindi ko alam.. Baka.."
"Hihintayin kita, handa na akong magpakilala saiyo.." matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan niya na akong iniwan.
Sakto namang nahanap na ako ng Heneral at kinaladkad na ako pauwi sa mansyon.
Ikinulong na nila ako sa aking silid at sinabi niyang saka niya lamang ako palalabasin sa araw ng kasal namin ni Juaquin. Maging si Crisanta ay pinalayas na ng aking ama dahil sa ginawa nitong pagtulong saakin na tumakas at makipagkita sa isang binata. Isang buwan na akong nakakulong at halos isang buwan na rin akong hindi gaanong kumakain.
Hindi rin ako mapalagay dahil ayon kay ina ay ilang gabi na binibisita ng heneral kasama ang ilang sundalo ang tagpuan namin ni Luna.
Huwag sanang magpunta ngayong gabi si Luna at baka anong gawin sa kaniya ni ama pag makita siya nito.
Ilang minuto pa ay narinig ko isang pagkatok mula sa pinto ng aking silid.
"Maria, maghapunan kana anak, ipinagluto kita ng paborito mo" rinig kong sabi ni ina mula sa kabila ng pinto. Pumasok na siya at inilapag ang pagkain doon sa lamesa.
"Ina, tulungan mo ko. Kailangan kong lumabas, hinihintay niya ako.." pagmamakaawa ko sa aking ina.
"Anak, mas lalo lamang siyang mapapahamak. Wala rito ang heneral, malamang ay naroon siya para abangan ang iyong katagpo" sabi naman ng ina.
"Ina.. parang awa mo na. Hayaan mo akong gawin ang gusto ko. Buong buhay ko ang kagustuhan ng iba ang aking laging sinusunod pero ngayon, maaari bang maging sakim ako kahit ngayon lamang?"
Sa wakas napapayag ko ang aking ina na tulungan akong makalabas ng mansyon. Nagpalit kami ng damit para hindi mapansin ng mga gwardya ang pag-alis ko.
Pagkalabas ko ng mansyon ay dali dali ko nang tinahak ang daan tungo sa tagpuan namin ni Luna ngunit napahinto ako ng marinig ko ang isang napakalakas na putok ng baril.
"H-hindi... H-hindi maaari.."
Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso na para bang ito ay sasabog.
Nawa'y hindi pa huli ang lahat...
Nang makarating ako sa harden ng mga rosas ay napaluhod na lamang ako ng makita ko ang aking ama kasama ang ilang sundalo. Ang dalawa sa kanila ay may dala-dalang bangkay ng isang lalaki .
Unti-unti na akong nanghina. Kung kanina ay walang tigil kung bumuhos ang aking luha ngayon ay wala akong maramdamang luhang pumapatak mula sa aking mga mata.
"H-hindi... " Naisambit ko at pinilit na maglakad ngunit muli akong napasalampak sa damuhan.
"P-papa.. a-anong ginawa niyo!?" Ito ang unang beses na tinawag ko ang heneral ng "papa" ngunit sinong mag-aakala na ang unang pagtawag ko sa kaniya ay may halong galit at sobrang pagkamuhi.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...