Chapter 31: Catch Me

21 5 0
                                    


October 1, 2019

For the whole week walang classes at puro focused lamang kami ngayon para sa preparation sa sports activities next week, kaya naman I decided na PE uniform na lang ang isuot ko ngayon at nagdala na din ako ng tatlong towel.

"Anak, are you sure you want to participate in that activity pwede na man lang kasi na magpasa ka na lang ng health certificate at sabihin mo na.."

"I can do this Mom" sabi ko na lang.

Yeah I know I'm weak pero I hate showing it to others. That's why I'm mad at myself kasi everytime I'm with Arche ang hina-hina ko. Now that I've decided na iwasan na siya I have to be at least strong outside.

"Magdala ka din ng T-shirt na pampalit mo mamaya.." paalala ni Mommy.

Aiishh.. tinatamad na akong bumalik sa kwarto ko..

"Mayroon naman akong isa pang PE uniform sa locker ko.." pagsisinungaling ko kay Mommy

Napatingin naman ako sa sampayan namin at nakita ko doon ang isang PE uniform ko nakasampay. Nakita rin ito ni Mommy kaya dali-dali na akong tumakbo palabas ng bahay..

"Naomi! Andito yung isang PE uniform mo!!" sigaw ni Mommy pero hindi ko na siya nilingon at binilisan na lamang ang pagtakbo..

Nilingon ko si Mommy na hanggang ngayon ay nasa gate pa rin at mukhang may plano pang habulin ako.. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo pero napasalampak na lamang ako sa semento ng tumama ako sa bumper ng isang kotseng nakaparada sa gilid..

"Aray" sambit ko habang pilit na tumatayo..

"You seem excited for the marathon you'll be joining" napatingin ako ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Pagkaangat ko nakita ko na naman si Arche.. Aiishh why is he everywhere? Bwesit talaga..

Tumayo na ako..

"Ba't ba dito ka pumaparking sa labas? Sa yamang mong yan wala ba kayong garahe!?" Inis na sabi ko sa kaniya..

"Ba't ba kasi ang tanga mo? Ganyan kaba tatakbo for the race? Hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo"

Aba't iba rin to ah.. Talagang nakakainit ng ulo ang mokong na'to.

Okay Mirra, breathe.. Relax.. Don't let your day be ruined.
Lalagpasan ko na lang sana siya kaso bigla niya akong hinila sa braso ko..

"Ano ba!? Ba't ang hilig mong manghila!" sigaw ko sa kaniya..

"What's with you? Ba't ang init ng ulo mo? May regla ka ba?"

Namula ang pisnge ko at nag-init ang mukha ko nang sabihin niya iyon..
Arrghhh kainis!!! How can he say that na wala man lang pag-aalangan..

"It's none of your business!!" sabi ko at nag-umpisa nang maglakad ..

"Okay fine, kung ayaw mong sumabay sa akin then suit yourself" rinig kong sabi nito..

The next thing I heard is ang pag-start ng engine ng kotse niya at ang tuluyan na pag-alis niya..

"Tsk.. that jerk really did left me"

Well, that's Great! My first step para kamuhian siya at tuluyan na siyang kalimutan..

Nang makarating na ako sa bus stop ay sakto naman na nandoon na yung bus kaya't dali-dali na akong tumakbo at sumakay ng bus.. Buti na lang at hindi pa marami ang tao kaya't may naupuan pa ako..

Doon ako umupo sa bakanteng pandalawahang upuan na nasa bandang gitna..

Pagkaupo ko ay hindi rin nagtagal ay may isang matandang babae na umupo rin sa tabi ko. Nginitian ko ito dahil sa nagtagpo ang aming mga mata, nakakahiya naman kung hindi ko siya papansinin. Sabi nga ni mommy, 'hindi niya ako pinalaking bastos'..
Nawerduhan ako sa kaniya dahil sa kahit nakaupo pa rin ito ay titig na titig pa rin sa akin kaya umiwas na ako ng tingin sa kaniya at itinuon na lamang ang tingin sa may bintana..

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon