September 27, 2019
Last day para mairaos ko ang week na'to kakaiwas kay Arche. I pulled a lot of tricks na just to avoid him and now I'm running out of ideas. What should I do? What if magsakit-sakitan na lang ako so I can excuse myself for class? Aishh. ayoko, I don't wanna sacrifice my studies for that. Wala na talaga akong ibang maisip kundi ang magpanggap na lang na hindi ko siya kilala, na hindi siya nag-eexist! Napakahirap naman kasi na iwasan siya lalo na't kaklase ko siya sa lahat ng subjects ko, not to mention pa yung pagiging mag-partner namin sa PE. So far on leave ang teacher namin sa PE kaya naman naiwasan ko si Arche. Sana wala pa din ang professor namin ngayon sa PE. SANA..
"That's all for our today's class"
Agad ko nang inilagay ang notebook ko na nakapatong sa lamesa sa aking bag at agad-agad nang tumayo. It's lunchtime. Ramdam ko na parang nakatingin sa akin si Arche pero hindi ko siya pinansin at mabilis na umalis na ng classroom..
Tinahak ko na ang daan patungo sa music department. Sa loob ng dalawang araw, ay nagbabaon ako para sa lunch ko at doon na kumakain sa theatre room. I don't care kung iniisip man ng iba na may multo roon pero yun lang talaga ang alam kong place na no one would expect me to go.
Nagpalingon-lingon muna ako para kumpirmahin kung may nakasunod ba saakin. Pero wala naman kaya dali-dali na akong nagtungo sa secondfloor. Halos lahat ng estudyante ay palabas na pero ako ay papunta lang at napapatingin sila saakin dahil nga sa hindi ako pamilyar sa kanila.
Nang marating ko na ang pintuan ng theatre room at napalinga-linga muna ako to make sure na walang nakatingin saakin. Nang makumpirma kong wala ay agad na akong pumasok.Pumunta na ako doon sa gitna ng mga upuan kung saan sobrang madilim at hindi nahahagip ng dim lights. Nakahinga na ako ng maluwag nang makaupo na ako sa wakas.
Dali-dali ko nang kinuha sa loob ng bag ko ang baon ko at nag-umpisa nang kumain.. Habang busy akong kumakain ay narinig ko naman ang pagring ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko at nakita ko ang caller ID ni Kelsey.
"Hello?" tugon ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Mirra? Where are you? Naglunch ka na ba?" tanong naman niya..
Napatingin naman ako sa baon ko na hindi pa nangangalahati ang bawas.
"Uhmm.. oo, nasa library ako ngayon may kailangan pa akong tapusing homework" pagsisinungaling ko sa kaniya..
"Kel.." mula sa kabilang linya ay narinig ko ang isang boses ng lalaki..
"Ahh.. ano sige okay lang.. Maglulunch na lang ako na mag-isa" sabi naman ni Kelsey.
"Sus, mag-isa ba? I think I heard a guy saying Kel" tukso ko sa kaniya.
"H-Ha? Ano kaba? You're being delusional. Gotta go now. Bye" sabi niya at agad na akong binabaan ng telepono.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain.. Habang kumakain ako ay napukol ang aking tingin sa may stage kung nasaan yung pyano. Sa aking pagtitig rito ay para bang naririnig ko ang musika na laging itinutugtog ng sinasabing pianist in the theatre room..
Parang wala sa sarili akong tumayo mula sa aking kinauupuan at nag-umpisang maglakad papunt sa entablado. Umupo na ako sa upuan na nasa tapat ng piano. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang tunog ng piece na napakapamilyar sa akin. Kasabay ng pag-alala ko sa tono nito ay ang pagtugtog ko rito. I hummed as I played the piano at the same time.
Nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Hanggang sa nang imulat ko ang aking mata ay wala na ako sa loob ng theatre room kundi nasa isang silid ako. Isang makalumang silid. Patuloy ang pagtugtog ko habang nagmamasid kung nasaan ako. Nang matagpuan ng ang aking mga mata ang isang malawak na salamin na nasa gawing kanan na natatapat ng piano, nakita ko ang isang babaeng tumutugtog ng piano na nakasuot ng makalumang damit. Nakita ko si Maria Carmina at kung paano siya napapangiti sa kaniyang pagtugtog..
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...