Chapter 26: Ikalawang Liham II

25 5 1
                                    

Ang tagpuan na puno nila ni Luna. Malapit lamang ito sa mansyon.

"Tama naaalala ko na, ito yung mansyon sa school."

Yung mansyon ng mga Del Valle na malapit sa puno. Teka kung gano'n ibig sabihin si Juaquin ng panahong ito ay lolo nila Juaquin at Arche.
Wait, pagkakaalam ko ay napangasawa ng Juaquin Del Valle ay iyong Mirranda. So ibig sabihin hindi si Maria Carmina ang kaniyang mapapangasawa?

Matapos nilang malibot ang buong mansyon ay nagpasya na si Juaquin na ihatid si Maria Carmina sa bahay nito. Pagkauwi ay nagpasalamat na si Marai kay Juaquin. Nang makaalis na si Juaquin ay agad nang nagpunta si Maria Carmina sa kwarto niya. Wala naman kasing nag-interview sa kaniya kasi ayon sa mga tagasilbi ay wala raw si Heneral De Vincio at Claudia.

Sa kwarto ay naupo na lang doon sa may study table si Maria Carmina at kinuha yung diary niya na nasa cabinet. Nag-umpisa na siyang magsulat sa blankong pahina nito.

Pebrero 17, 1878

Tama, ito ang date din ng liham na nabasa ko... Tinitigan lamang ni Maria Carmin ang diary niya na parang malalim na nag-iisip.

Matapos ang halos isang oras na pagtitig sa libro ay napatingin siya sa bintana.

Fullmoon na...

Fullmoon ngayon?

Agad siyang napatayo at dali-daling nagbihis, kinuha niya rin ang isang tela na pambalot sa kaniyang mukha.

"Senyorita.." Nagulat siya ng bumungad sa kaniya si Crisanta.

"..Senyorita? Aalis na naman kayo? Baka mahalata ni Heneral, maya-maya lang ay pabababain ka na niya para maghapunan." dagdag na wika pa nito.

"Mabilis lang ito Crisanta, ramdam ko na magtatagpo kami ngayon.." puno ng pag-asa si Maria Carmina.

"sige senyorita, pero pag malapit nang matapos ang pagluto ng hapunan ay pupuntahan na kita." wika naman ni Crisanta.

Tumango na lang si Maria Carmina ay at dali-dali nagpunta na sa escape route niya --ang bintana. Ako naman gaya ng dati nag-ala spiderman ako at tumalon. Nakalusot kami sa mga polpol na gwardiya at nakapunta na kami doon sa sirang pader.

Mabilis na tumakbo si Maria Carmina habang tinatahak ang madamo at madilim na daan. Although it's not that dark kasi parang alas-sais pa lang. Sinundan ko ito at napadpad kami doon muli sa may puno. Huminto siya sa kakatakbo ng makita niya ang isang lalaking nakatayo at nakatingala sa buwan. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Sumunod lang ako sa kaniya.

"Ginoo.." sambit ni Maria Carmina. Napatingin naman sa kaniya si Luna..

"We met again" sabi nito. Napakunot ang noo ni Maria Carmina dahil parang hindi niya naintindihan ang saad ni Luna.

"Mukhang napaibig ka rin ng buwan.." sabi ni Maria Carmina at umupo na doon sa may damuhan.. Lumapit naman si Luna at umupo sa tabi niya.

"Siguro..." sabi naman ni Luna.

"Ahh, ako nga pala si Maria Carmina, ikaw?" pagpapakilala ni Maria Carmina.

Sandaling tumahimik si Luna na para bang malalim ang iniisip.

"Wala akong natatandaan" sabi ni Luna.

"Ha? Eh paano ka nakarating rito?" tanong naman ni Maria.

Umiling-iling si Luna at sinabing..

"Hindi ko rin alam. It's as if the Moon took me here"

"Paumanhin pero hindi ko naintindihan ang iyong sinabi.." Maria Carmina confusedly said.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon