August 12, 2019
*CCCRRRRRIIINNNNGGG
Agad na akong tumayo para makapaghanda na para sa eskwela. Actually kanina pa ako gising at hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pamomoroblema kung pa'no ko haharapin si Arche. Tatlong gabi ko na itong prinoproblema and yet it's already Monday at wala pa rin akong naiisip na solusyon.
"aaiishhh Mirra, bahala na."
Iiwasan ko na lang siya. I shoudn't have any eye contact with him. I should act normal in front of him and let's just pretend na walang Arche Kale Io na nakita ko sa Acquaintance party.
".. Oh natatandaan mo ba yung mga pangalan ng mga nakasayaw mo? Naku kailangan mo nang ilista 'yun para hindi mo makalimutan. Hihingan tayo ng mga taga SSC for sure ng mga list ng names sa Monday"
Muli kong naalala yung sinabi ni Kelsey. Bwesit problema ko din pala 'yon. What should I do? Umabsent na lang kaya ako? Eeerrr Mommy won't tolerate me naman...
Bwesit bahala na talaga..
***
At Exact 7:00 am nakarating na ako sa classroom at wala pang katao-tao. This is the least that I can do para hindi masyadong maging awkward ang araw ko. Mas maigi na 'to kesa sa mag-grand entrance ako ng classroom na lahat nasa room na including Arche, baka hindi ako makalakad pag nagkaganoon.Okay Mirra, wala kang ibang gagawin ngayon kundi magfocus sa klase..
Kinuha ko na lang ang cellphone at earphones ko para magsoundtrip na lang. Sinalpak ko na sa tenga ko ang earphones ko at finull ko yung volume...
Pagkaplay ko ng music ay agad ko nang ipinatong ang ulo ko sa lamesa..Nang marinig ko ang unang stanza ng lyrics ng kanta ay saka ko lang narealize na ang title pala nito ay Hero.. Muli ko na namang naalala yung gabing nakasayaw ko si Arche..
"AAIIISSHHHH!!" Agad na inalis ko na lamang ang earphones ko at tinigil na 'yung kanta. Napatingin ako sa bintana kung saan napako na naman ang tingin ko doon sa puno.
Hindi ko alam kung bakit pero nawewerduhan ako sa sarili ko ngayon kung kaylan parang nasa katinuan na ako. Wala ng naririnig na tumatawag sa akin at wala na ring Lunang lagi akong binibisita saaking panaginip...
I kind of miss him though.
"Nasa'n kana Luna?"
"I'm already here.." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Luna na nanggaling sa may pinto ng room namin.
Ngunit pagkalingon ko, it wasn't Luna. It's Arche na may kausap sa phone. Muling nagtama na naman ang aming mga mata dahilan para agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.
"..okay bye" rinig kong sabi nito at nag-umpisa na muli siyang maglakad papunta sa upuan niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman nagkunware na lang akong may binabasa sa cellphone ko...
Naramdaman ko ang bahagyang paglingon niya saakin dahilan para mas mataranta ako at mapatingin sa kaniyang mga mata kahit na sobrang iniiwasan kong magtagpo ang aming mga mata.
Hindi ko na kaya ang awkward na sitwasyon dito I've got to get myself out of here.
Agad na akong tumayo para magpunta sa banyo at doon na muna tumambay hanggang sa may ibang tao na sa classroom. Kainis naman, akala ko pa naman getting to school early is a wise decision but it turns out na 'yun na ang pinakabobong bagay na nagawa ko..
Pagkalabas ko ng room ay sakto namang papasok 'yong fiancee ni Arche.
Pagminamalas ka nga naman, oh!
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...