September 15, 2019
Kalalabas ko lang ng ospital pero agad na akong nagpunta ng campus. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nandito ako sa tapat ng mansyon ng mga Del Valle na malapit sa punong tagpuan nila Maria Carmina at Luna. Gaya ng nasa panaginip ko, walang pinagbago ang mansyon maliban sa ito ay halatang luma na. Pero maganda pa rin naman ito at mukhang na preserve talaga ng mga kaapo-apohan ni Juaquin Del Valle ang bahay na sana'y titirhan nila ni Maria Carmina.
"Magandang tanghali.." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng isang matandang lalaki. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang matandang iyon. Siya lang naman ang may-ari ng school at ng mansyon na ito. Ang president ng school na si Dr. Julio Felipe Del Valle. Of course who wouldn't know him, every classroom ay may picture siya at saan mang sulok ng university.
"Ahh.. Magandang tanghali ho.. p-pasensya naligaw po ako.." Pagpapalusot ko. Aalis na sana ako kaso..
"Ginulat mo ako iha, akala ko ikaw ang namayapang asawa ng kapatid ng aking lolo.." Napatigil ako nang sabihin niya iyon..
"..Akalain mo nga ang tadhana talaga'y sadyang mapaglaro. Ikaw ba ay nagmula sa pamilya ng mga De Vincio?"
Wait nga, this is getting much more creepier than ever. Did he just said De Vincio? As in Maria Carmina De Vincio?
"Ha? H-hindi po.. Dela Cuego po ang aking apelyedo" sagot ko naman. Napalingon kaming dalawa ng may dumating --si Juaquin. Yung Juaquin Hansen okay?
"Oh? Naomi, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Juaquin. Bago pa man ako makasagot ay tinanong na siya ng lolo niya.
"Kilala mo ang dalagang ito? Kung gayo'n siya ang babaeng ikwene-kwento mo saakin" sabi ng lolo niya.
Tsk, ngayon pinagtsitsismisan pala ako ng mag-lolo na ito.
"Lolo naman, binubuking mo ako, nahahalata na tuloy na gusto ko siya" sabi naman ni Juaquin at kumindat pa saakin. Natawa na lang ang lolo niya at ako naman eh nakipagngitian na lang din sa kanila.
AWKWARD...
"Hali ka iha, kaibigan ka pala nitong apo ko. Pumasok ka na muna.." yaya ni President Del Valle. At Nag-umpisa na siyang maglalakad papasok ng gate.
"Ahh.. eh ka--" aangal pa sana ako kaso hinila na ako ni Juaquin.
"Oo nga, hali ka na. At may ipapakita ako sa'yo."
Hindi na ako umangal pa at sumunod na lang sa kanila. Gaya ng nasa panaginip ko, maluwag ang kanilang frontyard. Pero sa loob, medyo naiba na ang interior design tapos ang ilang mga furnitures pinalitan na din although mayroon namang mga antique na nandoon pa rin.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko mula sa dulo ng hallway ang malaking painting. Larawan ni Juaquin at Maria Carmina..
Dahan-dahan kong nilapitan ito."Paano.." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Akala ko ba yung Mirranda ang pinakasalan ni Juaquin.
"That's my great grandfather and her greatlove" Napatingin ako kay Juaquin na nasa tabi ko na pala.
Ano 'yun? Nagpakasal siya kay Mirranda kahit hindi pa siya nakamove-on kay Maria Carmina?
"What's with your expression?" I was confused sa tanong ni Juaquin.
"Ha?" tugon ko sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.
"I mean.. You don't looked surprise at all, you look like her. Ako nga noong una kong makita ang picture mo sa cellphone ni Haedeth gulat na gulat ako dahil someone with the same face as her exists."
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...