Chapter 37: Stuck in The Present

29 4 0
                                    

Napatitig na lamang ako sa kalendaryo habang minamasdang maigi kung ano na ang petsa ngayon. Today is already January 11, 2020. Dalawang full moon na ang dumaan at dalawang letter na rin ang naipadala sa akin pero, hindi na ako makabalik sa past. What the hell is happening? I have to go back there. Kasi kung nasa makaibang time kami ni Luna, malamang maaari ko pang masabihan si Luna, or should I say Luielle na iwasan ang kamatayan sa gabi ng January 21, 2019. It's just my theory but I am willing to risk everything just to let Luna escape such certain death. Ibinaba ko na ang tingin ko sa aking lamesa at tinitigan ang dalawang liham na parehong may sulat na at ang ikatlong liham na sa ngayon ay blangko pa dahil nga sa mamayang gabi pa ang full moon.

Kung babasahin ang dalawang liham, halata naman na patuloy ang pagkikita ni Luna at Maria Carmina, kahit na sa dalawang buwang iyon ay masyadong maaga ang pagsapit ng kabilugan ng buwan. Mula sa ikalimang liham ay may tatlong buwan na lamang bago ang kasal ni Maria Carmina at ni Juaquin, kung matutuloy ang kasal nila malamang ay hindi dahil sa natutunan ni Maria Carmina na mahalin si Juaquin kung hindi dahil lamang sa ipinagpilitan ito ng kanilang mga pamilya. Hindi ko maaaring hayaan na mangyari iyon. Kaya ba hindi na ako makabalik sa past dahil sa maaari kong magulo ang mga pangyayari noon?
Aiiisssh ewan ko ba, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin..

"August 13..." sambit ko sa sarili ko. Iyon ang araw ng kasal nila Maria Carmina at Juaquin.

"Aug.. Teka.. Agosto 13 ay ang siya ring...." Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahilan para mapatitig ang aking mga kaklase maging ang aming professor.

"Yes Miss?" Tanong ng aming professor sa akin.

"M-may I go out po?" tanging nasambit ko. Tumango naman ito kaya't dahan-dahan na akong naglakad palabas ng room.

Hindi.. baka nagkakamali lamang ako..

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad na akong tumakbo at nagtungo papunta sa library. Hindi ako makaramdam ng pagod dahil nga sa mayroon akong dapat malaman at kumpirmahin na impormasyon. Nang marating ko na ang library ay nagpunta agad ako doon sa literature section at dali-daling kinuha ang kaisa-isang libro na naglalaman ng impormasyon hinggil kay Maria Carmina..

Napako ang tingin ko doon sa petsa na nakasulat "Agosto 13, 1878", pero ang petsang iyon ayon sa libro ay hindi ang petsa kung kailan sila ikinasal ni Juaquin..

"Hindi, baka nagkamali lang sila" pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko. Pinilit kong hanapin ang date kung kailan ikinasal si Maria Carmina at Juaquin at sa likod na page ay nakita ko rin ang parehong petsa.

Nabitiwan ko na ang libro na unti-unti nang mag-sink in sa utak ko kung anong mangyayari sa "Agosto 13, 1878". Ang kasal at kamatayan ni Maria Carmina...

*********

Walang gana akong lumusong sa damuhan, patuloy lamang ako sa paglalakad ngunit hindi ko alam kung saan ako paroroon. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang petsa ng Agosto 13, 1878. Isa lamang ang ibig-sabihin nito. Kung mamatay sa araw ng kaniyang kasal si Maria Carmina, malamang ay nagpakamatay ito. Kailangan kong makabalik sa panahon niya para pigilan siya. Ayokong sayangin niya ang buhay niya. Siguro naman bago niya gawin ang desisyon na iyon ay kakausapin na muna niya ang kaniyang sarili, kakausapi na muna niya ako.

Napasalampak ako sa damuhan ng may matanda akong nakasalubong at nakabanggaan..

Napatingin ako sa matandang babae na iyon, bakit ba napakapamilyar niya? Nakita ko na ba siya dati?

"Ineng, bakit nandito ka pa? Diba't pinauuwi na kita matagal na! Umuwi kana, bumalik kana, kung hindi ka babalik agad baka hindi kana muling makabalik pa..."

I was to dizzy to pay attention to whatever she's blabbering about. I was so sleepy. Napahiga na ako sa damuhan.. Hindi, hindi lamang pala ito damuhan, nasa gitna pala ako ng harden ng mga rosas. Naipako ang tingin ko sa langit at nakita ko ang napakalaking kabilugan ng buwan.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon