October 11, 2019
Last Day of the Sports Week.."Guys, we have a problem, Jason can't make it today.. Ngayong umaga ang laro ng basketball team ng deprtment natin at kailangan natin ng mascot. Sino ang walang laro for this morning?"
Nakatingin lang ako ng deretso sa bintana habang ang ibang mga kaklase ko ay nag-uusap-usap. Relax lang ako ngayon dahil sa mamaya pa namang hapon ang event para sa marathon na sinalihan ko. Iilan lang kaming nasa room ngayon dahil ang iba ay may event na..
"Devamirra.." Napalingon ako sa kaklase ko na nasa may front.
"Lahat kami may game ngayong umaga, pwede bang ikaw na lang ang magsuot ng mascot? Mamaya pa naman ang event mo"
What the fudge?
Napalingon ako sa costumena cheetah na itinuro niya na nakapatong sa may armchair.
"Pe--"
"Oh, ayos na ha? Sige maiwan ka na namin. Bilisan mo na ang pag-ayos at mag-uumpisa na ang game" sabi nito at sabay-sabay na silang umalis.
Talagang pinagtulungan ako ng mga iyon ah.
Napatayo na lang ako at lumapit doon sa costume.
"Aiishh.. Seriously? Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" inis na tanong ko sa sarili ko habang hawak-hawak yung costume. Napakakapal ng tela kaya malamang eh ang init-init nito.
"Excuse me, ikaw ba ang mascot.. magbihis kana at mag-uumpisa na ang game"
Napatingin naman ako sa pinto ng sumulpot ang isang teacher. Wala na akong nagawa kundi tumango na lang rito.. Bwesit, bakit ba ako nagpunta rito ng maaga? Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko edi sana hindi ako maagang nagpunta rito.
Kinuha ko na lamang yung costume at isinuot na ito. Ramdam ko na ang sobrang init ng maisuot ko na ang katawan no'ng cheetah, what more kung pati yung ulo, for sure mukha akong ino-oven mamaya...
Lalabas na sana ako ng classroom na hindi suot yung ulo..
"Aiishh I think I need to wear this"
I have no choice, mas nakakahiya kung makita pa ang mukha ko kaya isinuot ko na lang ito. Nang tuluyan na akong makalabas ng building namin eh pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante. May iba pa nga nagpapapicture. Bwesit!
"Bakit ba kasi ang layo ng basketball court mula sa building namin.." bulong ko sa sarili ko.
Binilisan ko na lamang ang paglalakad kahit na ang bigat-bigat ng costume na suot ko.
Ilang minto pa ang lumipas at nakarating na sa wakas ako ng court. Tagaktak na ang pawis ko dahil sa sobrang init at pagod. Marami na rin ang tao sa loob ng court at punong-puno ito..
"Devamirra.." napalingon ako ng marinig ko ang boses ng kaklase kong nagpasuot sa akin ng costume na ito.
Tsk sabi ko na nga ba pinagtulungan lang nila ako para ako ang magsuot ng costume..
"Do'n ka pumwesto sa may bench ng players natin. Ando'n rin yung cheerleading squad, yung orange ang palda" sabi nito habang itinuturo yung bandang kanan ng court.
Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil sa sobrang inis at nag-umpisa na lang ako maglakad...
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Juaquin na nakajersey. Maglalaro siya?Aiishh.. chill Mirra hindi ka niya makikilala..
Ipinagpatuloy ko ang paglakad.. Nakahinga ako ng malalim nang malagpasan ko siya. Yung ang akala ko..
Bigla na lang may humawak sa buntot ng suot kong costume kaya napaatras ako..
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...