Natapos na ang dalawang subjects namin ngayong hapon at papunta na kami ngayon ng gym para sa last subject namin na PE. Sumabay na lang ako sa mga kaklase ko since hindi ko pa masyadong kabisado kung nasaan ang gym.
Pagkarating namin sa gym ay agad na kaming pinagbihis ng instructor namin ng PE uniform namin which was very unexpected since akala namin ay orientation pa lang muna. Agad na kaming nagpunta sa kaniya-kaniya naming mga locker para kunin ang PE uniform namin gaya ng intruction sa amin ng teacher namin. Pagkatapos magbihis ay bumalik na ako sa gym kung nasaan ang ibang kaklase ko.
Actually hindi lang kami ang nandito may iba ring students from other courses.."Good afternoon class" pormal na pagbati sa amin ng professor.. We greeted her back naman.
"I am your Prof Cynthia Jimenez for your subject Rhythmic activities. Just like what the title of the subject suggests, we'll be dealing with anything that relates to rhythm, may it be dancing or singing. For now I want you to find a partner. As much as possible it would be better if it's a girl and boy. I give you 5 minutes to find a partner"
Aiishh bwesit, wala pa akong ibang kakilala eh.. Napatingin ako sa mga kaklase ko na halos lahat ay may ka partner na. Pagkalingon ko sa left ko naman ay nakita ko si Arche na nakaupo lang at walang kapareha..
"Aishh.. hell no" bulong ko sa sarili ko. I can't have any connections to him. Tama na na magkaklase kami..
"I assume na wala ka pang partner miss Naomi, pano ba yan? Would you like to be my partner?" biglang sulpot naman ni Juaquin at kinindatan paako. Tangina, kaklase ko siya sa PE?
Hayyss.. bahala na, choosy pa ba ako?
Sasagot na sana ako sa kaniya kaso..."I'm afarid she has to reject that offer cause she's my partner" Natulala na lang ako ng biglang magsalita si Arche na nasa tabi ko na pala..
What? Wait? Partner ko siya?
"Ahh, okay.. Hindi mo naman sinabi agad na Naomi na partner mo pala itong si pinsan. Anyways, don't forget my offer kanina" After that umalis na siya agad.
Napatingin na lang ako kay Arche na nakaupo na ngayon sa tabi ko. Medyo umusod na ako.
Tsk.. Pagkatingin ko naman sa ibang kaklase ko ay nagulat na lang ako ng masama na ang tingin nila saakin lalo na yung mga babae. Aiishh. I am willing naman na makipagchange partner 'no.
"Okay class, your time is up. Yung partner niyo ngayon is ang magiging partner niyo sa lahat ng activities natin for this sem. Kung gusto niyong pumasa so you have to work together.."
What the? So tied up na ako sa lalaking 'to for the whole sem?
"..that's all for today. Next meeting na ang start ng klase. Goodbye"
Isa rin 'tong teacher na nakakabwesit. Pinagbihis pa kami ng PE uniform pauupuin lang pala kami..
Tumayo na ako at dumeretso na sa locker para kunin ang bag ko. Hindi na ako magbibihis, sa bahay na lang at nang malabhan na lang din ito. Pagkakuha ko ng bag ko ay sakto namang nagring ang cellphone ko..
It was from Haedeth.
"Hmm.. ano naman kayang kailangan ng mokong na'to?"
"Hello?" sagot ko sa tawag niya.
"Mirra, hindi kita maihahatid ngayon may emergency kasi sa bahay kelangan kong umuwi agad."
"Ahh okay lang sige. Ingat ka" sabi ko na lang.
Lumabas na ako ng locker room para makauwi na sa bahay.
Napahinto ako ng maalala ko na hindi ko pala alam kung nasaan ang daan papunta ng main gate.
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...