August 9, 2019
Andito na kami ngayon ni Kelsey sa bahay nila. Ngayon kami aayusan since mamayang gabi na ang Acquaintance party. May sarili siyang make-up artist kaya sabi niya na dito na lang din ako magpaayos..
Pareho kami ni Kelsey na minamake-upan na. Yung buhok niya is nakamessy bun, while ako naman is nakalugay pero yung kalahati is nakabun din tapos pinakulot din ang buhok ko, yung parang buhok ni Belle sa beauty and the beast although mas mahaba ang buhok ko.
Matapos ang higit isang oras na pagmamake-up saamin ay natapos na sa wakas at pinagbihis na kami..
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ako ba talaga to? It's my first time na mag-ayos at magsuot ng dress since hindi naman ako umaattend ng mga party ever since.Isinuot ko na rin yung pearl na hikaw at necklace na pearl ang pendant na ibinigay saakin ni Mommy..
Pagkalabas ko ng walk-in closet ni Kelsey.."Woah!! You're so pretty girl!!!" sabi ni Kelsey..
"Naku mare, ang ganda-ganda nitong anak mo ba't mo ba tinago 'to sa loob ng bahay niyo?" sabi naman ni Tita Audrey, yung Mommy ni Kelsey..
"Oh anak, ingat ka doon ha? Walang Haedeth na magbabantay sa'yo, pero di bale na andito naman si Kelsey at least may kasama" sabi naman ni Mommy at iniabot saakin yung sandals ko.
"'Wag ho kayong mag-alala Tita, walang boys na lalapit sa unica ija niyo" sabi naman ni Kelsey kay Mommy natawa na lang si Mommy.
"Naku, Naomi, tulungan mo rin akong bantayan itong si Kelsey baka humarot doon" sabi naman ni Tita Audrey..
"Mommy naman eh!" reklamo pa ni Kelsey..
"Sige na, umalis na kayo. 6:04 na oh, andiyaan na rin 'yung driver naghihintay sa inyo." sabi naman ni Tita Audrey. Nagpaalam na kami sa kanila at tuluyan nang bumaba at sumakay sa kotse..
Matapos ang byahe na puno ng kwentuhan at tawanan ay nakarating na kami sa auditorium...
Pagkapasok namin ay sobrang dami na rin ng tao. Napakaliwanag sa loob at napakasosyal ng ambiance ng paligid.
"Naomi, may tradition dito tuwing acquaintance party. Mamayang bago matapos ang party magkakaroon ng dance to greet. The rule is, pag mag-umpisa ang tugtog you have to approach the person na malapit sa'yo at sasayaw kayo. Syempre dapat ang partner is lalaki, since babae ka. Everytime na magchachange ang music dapat magchange partner ka tapos every partner dapat malaman mo ang pangalan nila. Kasi mamaya after ng sayaw is ipasusulat sa isang papel lahat ng pangalan ng nakasayaw mo. Pag kulang yung nakasulat tapos nahalata na hindi tugma yung mga name sa actual na nakasayaw mo. May consequence although wala pa namang nakaharap sa consequence na 'yon since lahat naman is nakakasunod."
"Eh? Pwede bang hindi na lang sumali?"
"Ano kaba? Mahahalata pa rin nila 'yon. Matyaga sila sa pagcheck sa bawat papel no"
Naupo na kami doon sa may table na vacant. Kainis naman. Sino ba ang nag-imbento ng ganoon? Hays bahala na..
Maya-maya ay biglang napalingon ang lahat sa may entrance. Kaya napalingon rin kami ni Kelsey para malaman kung sino ang kanilang tinitingnan.
Pagkalingon namin.."OMO!! It's Juaquin!" Kinikilig na sabi ni Kelsey..
I can't deny na gwapo talaga si Juaquin, he's weaking a white tuxedo. Inilibot niya ang tingin niya na para bang may hinahanap tapos napahinto siya ng mapatingin siya sa dereksyon ko. Ngumiti ito at nag-umpisang maglakad papunta sa direksiyon namin.
"Wait, was he smiling at you?" tanong ni Kelsey..
"Of course not" sabi ko at umiwas na ng tingin..
BINABASA MO ANG
COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)
General FictionDevamirra Neoma Selene Dela Cuego. The suicide queen and probably the saddest girl in the universe. The girl who used to love the bright full moon but one day she just woke up with her heart full of hatred. She was diagnosed with some kind of a sle...