Chapter 23: You Made Me Calm, You Made Me Cry

27 6 0
                                    


Naging busy ang lahat dahil sa paghahanda para sa foundation week ng university. Me as well since halos araw-araw na kaming nagpractice para sa band concert every night ng foundation week. Nairaos na namin ang yung mga gabi ng September 9 to 12, kung saan nakakanta na lahat sila Juaquin. Ngayong gabi naman ay ako na ang nakatoka na kumanta.

"Naomi, let's visit the horror booth!! Mga gwapo ang ghost doon dali na" sabi ni Kelsey at hinila na ako papunta sa engineering building kung nasaan yung story booth.

Mahaba ang pila at mula sa labas ay maririnig mo na ang tilian sa loob. Aiishh this is so childish.

"OMO, I can't wait na makahawak ng abs" Kelsey squeked at nagtatalon pa na akala mo naman naiihi.

"Tsk, edi sana sa gay bar na lang tayo nagpunta" sabi ko na lang sa kaniya pero hindi niya ata iyon narinig dahil sobra siyang focused sa pakikinig doon sa mga nagtitilian.

Matapos ang ilang minuto ay kami na ang pinapasok..

"AHHHHH!!" pagkapasok namin ay agad na akong nabigla sa pagtili ni Kelsey.

"Hehe practice lang" sabi pa nito.

Madilim sa loob pero may enough na ilaw naman para makita mo yung daan. Hayyss.. ang boring. Si Kelsey ay tili na ng tili at pinagyayakap yung mga kunware nananakot kaya ang nangyare eh sila na ang umiiwas kay Kelsey.

Napahinto ako sa pagsunod kay Kelsey nang biglang may humawak sa mga sa kanang paa. Muntik na akong mapatili, at dahil nga sa gulat ko ay inapakan ko yung kamay ng humawak saakin.

"Arrayy!!" sigaw nito sa sakit..

"So-sorry" sabi ko at tumakbo na. Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko na makita si Kelsey. Marami din ang nagtitilian sa loob kaya hindi ko alam kung nasaan si Kelsey. Nagpaikot-ikot na ako sa loob at mukhang nawawala na ako.

"hays, nasaan na nga ba yung exit?" tanong ko sa sarili ko.

"Are you lost?"

Napatigil ako nang marinig ko ang boses na ito. Nagpalingn-lingon ako pero wala naman akong makitang malapit saakin.

"Ang sabi ko nawawala kaba?" Halos mapatili ako ng pagkalingon ko ay nasa harap ko na siya at sobrang lapit na niya saakin.

".. kasi ako I think I'm lost."

"L-luna?" sambit ko, madilim man ay kitang-kita ko na asul ang kaniyang mata, kaya hindi ako maaaring magkamali, it's Luna.

"meet me when the full moon comes" sabi nito, at umalis na ito. Mabilis siyang nawala kahit sinubukan ko siyang hanapin. Hanggang sa may parang nakapatid saakin at natumba ako pero hindi ako sa sahig nadapa. Napaibabaw ako sa isang lalaki, saka ko lang napagtanto kung sino ito ng biglang tumapat ang flashlight saamin.

"Hey! What are you doing to my fiance!?" sabi ni Adillaine

Agad na akong napatayo.

"S-sorry it wasn just an accident" sabi ko.

Umayos na rin ng tayo si Arche.

"Ah talaga ba? Aksidente lang na ipinanganak kang malandi?" sabi naman ni Adillaine at pumagitna na saamin.

"Pero too bad for you, no matter how you tried to reach him he won't feel you, so just get lost" dagdag pa niya.

Marahas na siyang hinila ni Arche at tuluyan na silang nakaalis. Kinuha ko na lang 'yung flashlight na naiwan ni Adillaine at hinanap na yung exit.
Pagkalabas ko ay nakita ko naman si Kelsey.

"Oh my gosh girl? Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Kelsey.

"I got lost" sabi ko na lang.

Iniwan ko na yung flashlight doon sa isang upuan na nasa gilid.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon