Chapter 12
-Kukie's POV-
"Ni-Nicole," mahina kong sabi pero sa tingin ko narinig niya iyon.
Naka cross-arm siya at wala akong makitang emosyon sa mata niya na nakatitig lang sa mga mata ko. Pero malakas ang kutob ko na nagngingitngit siya sa galit.
Lumunok ako at dahan-dahang tumayo mula sa sofa na inuupuan ko kanina nang hindi inaalis yung tingin ko sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Gusto kong tumakbo pero parang ayaw umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko. Iniisip ko ngayon na sana meron akong super power na makakausap ko sa isip ko si Gino at papuntahin dito ngayon para i-save ako sa bruha- I mean kay Nicole.
Maya maya ay biglang humakbang ng isang beses si Nicole palapit sakin kaya parang tumalon ng pagkataas-taas yung puso ko at napa-atras ako pero nagulat ako dahil akala ko gegerahin na ako ni Nicole pero hindi.
Niyakap ako ni Nicole.
Niyakap ako ni Nicole!
Ilang saglit pa ay bumitiw na siya sa pagkakayakap sakin saka ako binigyan ng matamis na ngiti. Pero nararamdaman kong pilit lang iyon. Pft! Hindi niya ako maloloko. Minsan na akong naloko ng ngiti niyang iyon, ano. Ire-ready ko na ang pisngi ko.
Nang readyng-ready na ako sa darating niyang sampal bigla akong napatingin sa mga mata niya nang magsalita siya.
"Make sure you won't let go of Gino ah. Baka bigla nalang mangyari sayo yung ginawa mo sakin." Advice niya nang naka ngiti.
Hindi ko alam kung pano ko tatanggapin yung sinabi niya eh. Banta ba iyon? Nangongonsensya siya? Pakiramdam ko lalagnatin ako. Siguro namumutla na yung mukha ko.
Lumunok ako at napaiwas nalang ng tingin sa kanya.
"Good luck." Pa-sweet niyang sabi sabay marahang naglakad palayo sakin at iniwan akong nakatayo at halos hinang hina at nanginginig sa lobby.
Oo, matapang ako makipagsagutan kahit sa mga lalaki. Iyon ay kung ako yung nasa tama. Pero kung si Nicole ang kaaway ko? Sa tingin ko wala akong laban sa kanya. Ngayon pa nga lang hindi na ako makagalaw eh. Hindi pa siya nagmumura at sumisigaw. Pero pakiramdam ko hinampas na niya ako ng makapal at malapad na table sa buo kong katawan at mukha.
Kasalanan ito ni Gino eh. Napaka-impakto talaga ng higanteng iyon! Sarili niya lang ang iniisip niya. Siguro ginagantihan niya ako dahil sa isang linggo akong nawala. Pero sobra naman ito. Bwisit talaga siya! Hayup!
Nakahiga na ako ngayon dito sa sofa na tinulugan ko kagabi. Noong bumalik yung katinuan ko kanina matapos yung ingkwentro kay Nicole ay umakyat na agad ako dito sa kwarto namin at nahiga dito. Ni hindi ko na nga hinintay si Higante eh. Siguro naghihintay yon doon sa lobby. Hindi parin kasi siya umaakyat eh. O baka nag-dinner na iyon kasama yung mga kaibigan niya. Or si Nicole?
Hayy~ naiirita ako kapag naiisip ko si Nicole. Lalo na yung hayup na Kapreng iyon. Bwisit silang dalawa! Sa tingin ko sila ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Nakakatakot.
Napadilat ako nang biglang bumukas yung pinto ng hotel room namin at malamang si Higante iyon. Nakaharap kasi ako sa sandalan ng sofa at nakatalakbong ako ng unan sa ulo ko.
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Diba sabi ko hintayin mo ako sa lobby?" sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
"7PM palang. Ang aga mo naman matulog." Puna niya pero hindi ko parin siya pinansin. Nag-iinit talaga ang ulo ko at kumukulo ang dugo ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
