ღ Chapter 15 ღ

39 2 0
                                        

Chapter 15

 

-Kukie's POV-

Nagising ako nang biglang sumilip yung sikat ng araw mula sa likod ng kurtina ng bintana at tumama ito sa mukha ko. Tinakpan ko kaagad ng unan yung mukha ko saka huminga ng malalim.

Ang bango.

Huminga ulit ako ng malalim at inamoy mabuti.

Amoy Gino.

Napadilat ako at agad na napabangon saka tumingin sa pwesto ni Gino, pero wala akong nakitang Gino kaya nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, pero walang tao. Tiningnan ko yung wrist watch ko, 8:27 am. Lumabas na siguro siya kanina pa.

Pagpasok ko sa banyo, may nakita akong note sa harap ng salamin.

'Meet me at the lobby, 10am.

PS: I left your clothes at the closet and I hid the others, so you don't have a choice but to wear what I left. ;p –Gino'

Ano daw? Anong damit yon?

Binuksan ko agad yung closet na sinasabi niya at sa loob niyon, nakita ko ang isang terno na purple mini sando at floral(?) skirt. Kinuha ko iyon at sinuot.

Napanganga ako sa hiya nang makita ko ang itsura ko, suot ang damit na iniwan ni Gino.

"Oh my God! Ano ito?!" gulat na gulat kong tanong sa sarili ko, "Kita talaga yung tiyan? Ayoko nito!" sigaw ko sa sarili ko. Huhubarin ko na sana, pero naalala kong kinuha nga pala ni Gino yung iba kong damit kasama yung mga bagong damit na binili niya.

Nakakainis! Baliw talaga ang lalaking iyon! Ano nanaman kaya ang binabalak niyon? Bwisit!

-

-

-

10:30 na, pero ayoko talagang lumabas. Nagtext na rin si Gino kanina at hinahanap na ako, pero hindi ko siya nireplyan. Yung damit ko nalang kaya kagabi ulit yung suotin ko? Kaso baka magalit nanaman ang Higante. Ano bang gagawin ko? Tsk!

Nang mapatingin ako sa damit na suot ko kanina, bigla akong napangiti sa naisip ko. Wala na akong pakialam kung magalit man siya o matuwa.

-

-

-

Oo, alam ko wirdo ang japorms ko ngayon. Pero wag naman sana sila magpahalata. Kung makatingin, akala mo tinubuan ako ng isa pang ulo sa leeg eh. Kaloka ang mga taong ito.

Nagpapalakad-lakad ako ngayon dito sa lobby ng hotel, habang iniisip kung nasaan si Gino.

Yung mga taong labas-masok dito sa lobby, pinagtitinginan ako dahil yung purple na damit na iniwan ni Gino para suotin ko, pinatungan ko ng over-sized white t-shirt na suot ko kagabi. Ang pinagtataka ko lang, bakit ba sila natatawa sa suot ko? Ano bang mali doon? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naka paldang purple at white t-shirt? Mga judgemental!

"Hey, Miss Beautiful?" napalingon ako sa lalaking umakbay sakin at agad akong napangiti nang makita ko yung cute na dimples ni Marco.

"Uy!" bati ko sa kanya saka siya umupo sa sofa na nasa harapan ko bago ako tingnan mula ulo hanggang paa at saka bumalik sa mukha na may bakas sa expression niya ng pagtataka. Ano bay an, pati ba naman si Marco?

"Bakit?" tanong ko kay Marco habang tinitingnan ang sarili at narinig ko siyang ngumisi.

"Wala naman. Ang cute mo kasi eh." Natatawa niyang sagot at tiningnan ko siya ng masama bago umupo sa tabi niya.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon