Chapter 28
-Kukie's POV-
"Hey, wake up." Dahan-dahan akong dumilat nang marinig ko yung mahinang boses ni Gino.
"Gino?" napatingin ako sa suot niya. "May photoshoot ka?"
"Y-yes." Sagot niya sabay iwas ng tingin na parang nag-iisip kung sasabihin niya ba yung kung ano man yung nasa utak niya o hindi. O baka galit parin siya dahil sa ginawa ko kagabi. Hayy~ pfft! Natatawa parin ako kapag naaalala ko yung nangyaring iyon. Ahahah!
"Gusto mo samahan kita?" tanong ko sa kanya habang bumabangon. Umupo naman siya sa tabi ko saka kinuha yung isang kamay ko at hinimas-himas. Bakit ganun? Kapag dumidikit yung balat ni Gino sa balat ko, feeling ko ang bilis bilis ng daloy ng dugo ko, tapos parang nagtataasan yung mga balahibo ko kahit hindi naman.
"Uhm... kasi..." pag-aalangan niya saka tumingin sa mga mata ko. "I know, masyadong biglaan pero sana... maintindihan mo." Napakunot ako ng noo. Hindi ko ma-gets.
"I'm going to London."
"........." pumikit-pikit ako ng ilang beses at pilit na pina-process sa utak ko yung sinabi niya.
"I don't know kung gaano ako katagal doon. Maybe two to three weeks? Or maybe, mas matagal pa. I really don't know." Sabi niya pero hindi parin ako sumagot. Parang ayaw tanggapin ng utak ko yung mga sinasabi niya.
Ano ba? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang kailangang sabihin sa mga ganitong bagay at sitwasyon. Magagalit ba ako? Hindi siya papayagan? Pero bakit ko naman siya hindi papayagan? May karapatan ba ako? Hindi naman kami mag-asawa eh. Ni hindi ko nga alam kung anong meron kami eh. Ano yun? M.U.? Teenager lang? Hayy~
"Uhm.." utal at alangan kong sabi.
"Are you going to be alright?"hindi parin ako makapagsalita. Para kasing ayaw bumuka ng bibig ko. Para akong paralisado.
Two weeks? Three? O mas matagal pa? Mabilis lang ba yon? Isang buwan lang naman eh.
Nang hindi ako sumagot, biglang hinagod ni Gino yung mukha niya, "Oh my God! Ano bang gagawin ko? I- I can't... I can't leave you if you're like that." Frustrated niyang sabi sabay tingin ulit sakin na parang pagod na pagod siya at may pag-aalala sa mga mata niya. At dahil doon, bigla ako nakaramdam ng guilt.
"Uhm... S-sorry. Ano kasi... para kasing ayaw pang tanggapin ng utak ko yung mga sinasabi mo. A-alam mo na, kagigising ko lang tapos ang dami-dami mong sinasabi. Wait. Ito yung pagkakaintindi ko ah," sabi ko at nagpanggap na wala talagang naintindihan sa sinabi niya. "Pupunta kang London... tama?" tumango siya. "Isang buwan ka doon o mas matagal pa..?"
"Err.. yeah." Sagot niya sabay tango ulit.
"Aah~" sabi ko sabay nag-isip ng sunod na sasabihin, "Okay." tuloy ko. Wala na kasi akong maisip eh. Ayoko nang malaman yung buong reason kung bakit siya pupunta doon. Tsaka, nahihiya din ako magtanong pa. Baka sabihin niya masyado akong mausyoso. Hmp!
Nakita ko yung gulat sa mukha niya nang sinabi ko yung 'okay'. Bakit naman siya magugulat? Inaasahan niya bang iiyak ako at pipigilan siya? Tulad nga ng sinabi ko, wala naman akong karapatan.
"Are you sure?" tanong niya at tiningnan ko naman siya nang nakakunot ang noo.
"Oo naman. Hindi ka naman titira doon eh. Mabilis lang ang isang buwan noh." Bumuntong hininga siya na akala mo, nawala yung mabigat sa dibdib niya saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
