ღ Chapter 26 ღ

28 1 0
                                    

Chapter 26


-Gino's POV-


"Saan?!" napasigaw ako sa gulat.

Ha-ha... hahaha! Nagpapatawa ba si Pandak- I mean, Kukie? Gusto niya akong pumuntang Star City?

"Sabi ko, sa Star City." sagot niya na may hint ng confusion ang mga mata niya. Nagulat siguro siya sa sudden burst out ko.

"You're kidding, right?" natatawa at hindi parin makapaniwala sa sinabi niya.

"Bakit? Ayaw mo dun?" tanong niya hanggang sa parang merong kung ano ang pumasok sa isip niya saka siya nag-smirk at ako naman ang napakunot ng noo. "Aha! Takot ka sa rides no?" excited niyang sabi sabay tawa ng malakas.

"What? No."

"Ang super model na si Mister Gino Han, takot sa rides." Sabi niya sabay tawa ng malakas and I just rolled my eyes. No comment nalang, hindi naman siya titigil eh. Bahala na kung ano man ang mangyari sakin doon.


-Kukie's POV-


Sa sobrang excite ko, bumaba agad ako ng kotse at tumakbo papunta sa ticket booth nang hindi hinihintay si Gino. Ang bagal kasi niya kumilos eh. Nag-iinarte pa.

Nang makapila ako, tumingin ako sa likod para i-check kung nasan na si Gino at ayun, nakita ko siyang naglalakad na akala mo may pinagtataguan. Napakunot ako ng noo at napansin kong naka-shades siya.

Hala! Grabe ang lalaking ito. Ibang klase. Gabing-gabi, naka-shades? Hahaha! Muntanga lang ba. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Ahahah!

Nang makarating siya sa harap ko, tinawanan ko siya ng malakas pero tinakpan niya yung bibig ko.

"Shhh! Wag ka ngang maingay. Baka may makakilala sakin dito." Kumunot ulit yung noo ko hanggang sa maalala kong celebrity nga pala siya. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.

"Oo nga pala. Pano na yan?"

Napansin kong nag-iisip si Gino. Bago niya masabi yung nasa isip niya, inunahan ko na siya. "Wag nalang pala tayo dito. Baka kasi-" sabi ko pero siya naman ang pumutol sa sasabihin ko.

"No. Tutuloy tayo dito. Diba matagal mo nang gustong makapunta dito?"

"Pero..." napakagat ako ng labi ko.

"Don't worry, mag-iisip ako ng paraan. Okay?" sabi niya habang hawak ang magkabilang pisngi ko sabay kiss sa noo ko pagtapos niyang magsalita. At sinong babae ang hindi kikiligin kapag hinalikan ka ng isang Gino Han sa noo sa lugar na maraming maaaring makakita?

Kinagat ko yung lower lip ko para pigilan ang sarili kong mapangiti at tumango nalang kahit nasisiguro kong pulang pula na ang mukha ko. Ngumiti siya ng matamis.




Excited akong pumila sa pangatlong attraction na gusto ko ng may malawak na ngiti sa mukha ko saka ko hinarap si Gino na ngayo'y naka wig na, na may black bunny ear at white glasses na walang salamin, frame lang. At black mouth mask na yung baba niya lang tinatakpan niya. Haha, gets nyo ba?

At awa naman ng Diyos, walang nakakakilala sa kanya. Merong iilan ang tumititig sa kanya na kunot ang noo pero dahil magaling ako, mabilis kong hinihila si Gino kung saan para mapalayo sa mga fans niya.

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon