Chapter 23
-Kukie's POV-
Ilang minuto nang tulala si Marco sa harap ko na parang hindi ma-process sa utak niya yung mga sinabi ko. Ano bang hindi kaintindi-intindi doon? Malinaw naman ang pagkakasabi ko na hindi talaga kami kasal ni Gino dahil pineke ni Mamsie ang lahat.
"Huy, Marco, okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang inuuga yung balikat niya.
"Uhm... a-are you serious?" tanong niya ulit. Ang kulit ah. Pang apat na beses na niya yang sinasabi sakin kung seryoso ba ako. Tsk. Malapit na akong mainis ah.
Ayoko pa namang inuulit-ulit yung mga sinabi ko na. Lalo na sa bagay na 'to. Kasi sa tuwing uulit-ulitin kong sabihin iyon, paulit-ulit ding nababasag ang puso ko. Kasi sa tingin ko... sa tingin ko...
...na-inlove na ako kay Gino Han.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang bisitahin ako ni Marco. Ilang araw na rin siyang nagpapabalik-balik dito sa unit ni Gino para kamustahin ako o makipagkwentuhan sakin. Yung totoo? May malala ba akong sakit? Ang alam ko, si Mamsie ang may sakit eh.
Hayy~ speaking of Mamsie... araw araw ko ring binibisita si Mamsie sa ospital. Minsan nga kasama ko pa si Marco. At sa araw araw na yon, parang sa nakikita ko, lalo siyang nanghihina. Noon kasi nakakaupo at nakakatayo pa siya ng mag-isa kahit nahihirapan siya. Ngayon, hindi na niya kayang tumayo ng walang umaalalay sa kanya.
Isa pa, sa araw araw na pagbisita ko kay Mamsie, ni isang beses hindi ko nakita si Gino. Pero siguro, nagkakasalisihan lang kami. Imposible naman kasing hindi niya bisitahin yung nanay niya diba?
At spaeaking of Nanay... si Mama hindi ko parin pinupuntahan. Sinasabi lagi ni Marco na sasamahan niya ako pero wala akong ibang sinasagot sa kanya kundi ngiti. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh.
Tsaka nahihiya ako kay Marco. Nahihiya akong makita niya akong kahiyahiya. Baka kung ano pang sabihin niya. Paano kung ipagtabuyan ako ni Mama sa harap niya? Paano kung hindi na pala ako kilala ni Mama? Paano kung hindi naman pala siya si Mama? Nakakahiya kay Marco na makita niya akong nag-expect masyado tapos hindi naman pala.
Atsaka, hindi ko naman kailangan si Marco para makita ang Mama ko eh. Wala naman siyang kinalaman dito. Kaya ako dapat ang humarap kay Mama nang mag-isa.
Kaya ngayong araw, napagdesisyunan ko nang puntahan si Mama. Kahit na hindi parin ako ready, kailangan ko na siyang makita para mabawasan naman yung dinadala ko sa dibdib ko.
"Excuse me po, Manang..." tawag ko doon sa ale sa tindahan.
"Anong sayo, Ganda?"
"Saan ho itong address na to?" tanong ko sa kanya sabay pakita doon sa papel na may nakasulat na address ni Mama. Kinuha niya iyon at binasa.
"Ah, deretsuhin mo iyang kalsada na yan. Sa pangatlong kanto, kumanan ka. Tapos yung susunod na street, doon na yon. Hanapin mo nalang yung number ng bahay." Sabi niya saka binalik sakin yung papel.
"Ah, salamat po ah."
Habang naglalakad ako, at alam kong palapit ako ng palapit kay Mama, mas lalong lumalakas yung kaba ko.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay ni Mama. Yung bahay niya, higit pa sa inaasahan ko. Medyo nakaramdam ako ng kaunting relief dahil hindi naman pala naghihirap sa buhay si Mama. Mabuti naman. Siguro tama nga yung naging desisyon niyang iwan si Papa. Pero hindi naman iyon sapat na dahilan para iwan kami diba? Makaka-ahon din naman kami sa buhay kahit na kami ang magkakasama.
BINABASA MO ANG
Finding Love
Storie d'amoreSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
