Chapter 17
-Kukie's POV-
Napadilat ako at napansin kong madilim pa yung paligid bago tumingin kay Gino na daing ng daing doon sa sofa. Tiningnan ko muna yung oras at nakita kong 4am palang saka lumapit kay Gino.
Agad kong hinipo yung noo ni Gino at mukhang lalong tumaas yung lagnat niya kaya pinunasan ko ulit ng bimpo yung mukha niya at bigla kong naalala yung panaginip ko kanina. Parang totoo kasi. Tapos, akala ko nagising na ako, hindi pa pala. Hanggang ngayon, ang bilis parin ng tibok ng puso ko. ayoko nang mapanaginipan iyon. Hindi naman siya horror, pero natatakot ako. Hay~
Habang pinupunasan ko siya ay nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan yung kamay, at mas lalo akong nagulat sa tinawag niya sakin.
"Nicole,"
Para akong sinampal ng ilang milyong beses, sabay tulak sakin sa bangin na puro tusok tusok yung babagsakan.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang tawagin niya ako ng 'Nicole' eh. Hindi dapat ganito. Ano ba ang nangyayari sakin?
Parang sumakit bigla yung lalamunan ko, at yung mukha ko, ang init init. Feeling ko, ang sama-sama kong tao. Mang-aagaw ako ng boyfriend ng may boyfriend.
May naramdman nalang ako bigla sa pisngi ko at doon ko lang na-realized na umiiyak na pala ako at naalala kong ayaw ni Gino na nakakakita ng luha kaya agad ko iyong pinunasan saka tumayo.
Nakakainis! Bakit ba ako umiiyak? Bakit ba ang sakit sakit ng dibdib ko? Bakit ba ako nagagalit? Hindi ko alam kung kanino ako nagagalit. Kay Gino ba? Kay Nicole? O sa sarili ko?
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili ko na maramdaman yung nararamdaman ko ngayon. Ayoko kasi ng ganito. Hindi dapat ako ganito. Hindi dapat ako nasasaktan, at wala akong karapatang magalit sa kanila man o sa sarili ko, dahil desisyon ko ito kung ano man ang meron kami ni Gino at walang sinuman ang nagpilit sakin. Hindi si Mamsie, at hindi rin si Gino.
Para mawala yung bigat sa dibdib ko, kung anu-ano nalang yung ginawa ko. Nag-ayos ng kwarto ko, naglinis ng banyo, ng kitchen, pinag-luto si Gino ng almusal, nag-laba ng maruruming damit.
Pabalik na sana ako sa sala nang may marinig akong nag-uusap.
"What are you doing here?" tanong ni Gino sa kung sino man ang kausap niya. Pupuntahan ko na sana sila nang may marinig pa akong isa pang nagsalita.
"I'm here to take care of you. I heard you're sick."
Oh my gosh! Ano ito? Magiging totoo ba yung panaginip ko? Hindi. Ayoko nito. Sana panaginip lang ito.
"Who told you?" tanong ni Gino kay Nicole. Pero yung tono niya, hindi katulad ng sa panaginip ko. ngayon, parang... gulat?
"Justin told me." Casual na sagot ni Nicole.
Bakit kapag naririnig ko yung boses ni Nicole, sumisikip yung dibdib ko?
"How are you feeling now, Babe?" tanong ni Nicole na halata sa boses niya yung concern. Mahal parin niya si Gino. Hay~
Hindi ko narinig nagsalita si Gino, siguro mahina lang yung boses niya. Sisilipin ko sana sila nang marinig ko ulit si Nicole.
"Where's your b**chy little maid?" at sumikip nanaman yung dibdib ko at medyo uminit ang ulo ko sa tinawag niya sakin, pero narinig ko si Gino na sinermonan si Nicole at napangiti ako doon.
"Nicole, don't call her like that."
"Why not?"
"Just... don't." ewan ko ba, para akong kinikilig sa pagtatanggol sakin ni Gino.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
