ღ Chapter 30 ღ

27 1 0
                                        


Chapter 30


-Kukie's POV-


Nagising ako nang masilaw ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Gusto ko pa sana ulit matulog ulit kasi alas tres na yata ako nakatulog kagabi kakaisip doon sa pagcoconfess ko kay Joy ng lahat. Kung kagabi habang sinasabi ko kay Joy ang lahat ng iyon, hindi ako masyadong nahihiya kasi alam ko namang mapagkakatiwalaan ko si Joy eh. Kaso ngayong lumipas na yung araw, parang sising-sisi ako sa ginawa ko. Nakakahiya kay Joy.

Nang magkita naman kami ni Joy, parang normal parin naman siya. Ang ibig kong sabihin, normal parin... basta normal parin yung kakulitan niya, ang hirap ipaliwanag eh. Hahaha. Noong nagla-lunch nga lang kami, puro healthy food lang yung in-order niya. Kailangan ko daw yun para maging healthy yung future pamangkin niya. Nakakatuwa lang, kasi parang mas excited pa siya kesa sakin kahit hindi pa naman talaga ako sigurado. Wala naman kasi akong nararamdaman eh.

Pagtapos namin maglunch, naisipan ni Joy na mag-swimming. Syempre, ako hindi magsu-swimming. Ayoko nang magsuot ng swimsuit ni Joy no. Tsaka, hanggang ngayon, inaantok parin ako kaya matutulog nalang ako doon sa mga beach chair. May payong naman doon eh. Tsaka, binigyan ako ni Joy ng shades.



Napadilat ako nang marinig ko si Joy sa tabi ko. Nakita kong nakaupo na rin siya sa katabing upuan habang pinupunasan yung mukha niya.

"Uy Kukie, magsi-CR lang ako ah. I'll be right back." Sabi niya sabay tayo ulit dala yung maliit niyang pouch. Tumango nalang ako at bumalik sa pagkakahiga ko. Pinagmasdan ko yung pag-alon ng dagat habang mine-memorize yung amoy ng dagat at napansin kong may kaunti akong naaamoy na bulaklak. Ang bango. Feeling ko nasa paradise ako. Meron kayang garden dito? Itatanong ko mamaya kay Joy para mapuntahan ko mamaya.

Napatingin ako doon sa stage na sa ngayon, may mga upuan na sa harap niyon. May mga iilan ding mga tao ang nagkakabit ng mga kung anu-ano doon. Sabi ni Kevin kahapon, five daw ng hapon magsisimula yung magic show. Tumingin ako sa wrist watch ko. Dalawang oras nalang pala at magsisimula na yung show.


"Hi." Napatingin ako doon sa lalaking nagsalita na naka swimming shorts at gray na sando. Halatang kakaswimming niya lang kasi basa pa yung buhok niya. Ano kayang kailangan nito? "I'm Jeff." Pakilala niya sabay abot pa ng kamay niya.

"Hi." Bati ko nalang din sa kanya at nakipagkamay kahit hindi ako sigurado kung anong sadya nito.

"Uhm, may I know your name, Miss?" tanong niya nang nakangiti.

"Ah. I'm Kukie." Alangan kong sagot. Itatanong ko na sana sa kanya kung anong kailangan niya pero naunahan niya akong magsalita.

"Kanina ka pa namin nakita ng mga friends ko at napansin naming malungkot ka." napakunot ako ng noo doon sa sinabi ni Jeff. Ako? Malungkot? Sino naman nagsabi sa kanila non? Mukha ba akong malungkot?

"Uhm... h-hindi naman ako malungkot." Sabi ko at bigla kong narealized na medyo malungkot nga ako dahil sa pagka-miss kay Gino.

"Oh? Then why are you alone sitting... or should I say, laying here for about... three hours?" tanong niya na sa ngayon ay nakaupo na siya sa upuan ni Joy. "I don't see your boyfriend since... yesterday? A pretty girl lang ang nakita kong kasama mo simula pa kahapon."

Simula pa kahapon? So ibig sabihin, kahapon pa niya ako sinusundan? Gago 'to ah.

"Or... do you... even have a boyfriend?" mahina niyang dugtong.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon