Chapter 29
-Kukie's POV-
Napabangon ako ng pagka-aga aga kahit antok na antok pa ako ng biglang sumakit yung tiyan ko kaya napatakbo agad ako sa banyo. Hindi yata ako natunawan kagabi. Si Joy kasi, magdamag nakipagkwentuhan sakin. Nagutom tuloy ako ng alas tres ng madaling araw kaya kumain ako. Eh sa sobrang antok ko, hindi ko na nahugasan yung pinagkainan ko kagabi. Ni-hindi na nga ko nakapagba-bye kay Joy kasi pagbalik ko sa kwarto, bagsak agad ako eh.
Paglabas ko ng banyo, dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig nang biglang may nag doorbell. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang bigla ako inatake ng yakap.
"KUKIEEE, I MISSED YOUUU~ tinulugan mo ako kagabiii~" sigaw ni Joy at akala ko, dudugo na yung tenga ko kasi sa tenga ko siya mismo nagtitili.
"Nakakagulat ka naman Joy." Sabi ko habang hinihintay si Joy na kumalas sa napakahigpit niyang yakap at tumawa lang siya saka dumeretso sa sala at umupo sa favorite spot ng sofa ni Gino. Pasimple akong napangiti.
"Uy Kukie, gusto mong magbeach?" tanong niya bigla na mukhang excited.
"Beach? Anong meron?"
"Wala lang. Gusto ko lang mag wind-up. Medyo stress kasi sa work lately. Samahan mo naman ako." napaisip naman ako doon. Sasama ba ako? Wala naman akong ginagawa. Buong maghapon lang akong nakakulong dito. Tsaka ang boring boring na dito.
"Saan?"
"Hmm... meron akong friend na may ari ng private beach resort sa Batangas. Doon nalang tayo."
"Hmmm... wala akong pera eh."
"Ano ka ba. Ako na ang bahala doon. Just enjoy yourself there. Tsaka, napansin ko ring medyo stress ka rin at parang ang tamlay mo ngayon ah. Huy, kumakain ka ba? Baka naman pagbalik ni Gino, buto't balat ka nalang." Natawa ako sa sinabi niya pero hindi na siya sinagot.
"Kelan tayo aalis?" tanong ko.
"Ngayon."
"Ngayon?!"
Ngayon agad? Excited lang, Joy? Kaloka. Nakakabigla naman tong si Joy.
"Do you already have plans today?"
"Wala naman. Kaso... nakakabigla ka naman. Ngayon agad? Di pa nga ako nakakapag-impake eh." Sagot at paliwanag ko, "Ilang araw ba tayo doon?" tanong ko.
"Hmmm... depende, kung kelan mo gusto umuwi. Pwedeng one week, or two weeks. Or kung gusto mo kahit bago umuwi si Gino. It's all up to you." Sagot niya ng nakangiti.
"Nye! Bakit ako?"
"Eh kasi... the main reason why I want to go to the beach is you."
"Ulit, bakit ako?" pangungulit ko.
"Eh kasi nga..." sabi niya na parang naiistress na sa mga tanong ko. Haha. Sorry naman. Eh naguguluhan lang ako eh. Bakit ba ako? "Feeling ko kasi nabo-bored ka na dito..." tama. "Tsaka, para mabawasan yung stress mo kakaisip kay Gino."
"Hala!" sigaw ko at bigla akong natawa. Ahahaha! Stress kakaisip kay Gino talaga? Parang adik lang 'to si Joy. Hahaha. "Iyun talaga ah?" sabi ko sabay tawa ulit. Sinabayan naman ako ni Joy.
-
-
-
-
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
