Chapter 24
-Kukie's POV-
Pagpasok na pagpasok ko dito sa unit ni Gino, dumetso agad ako sa sala at napasalampak sa sofa. Feeling ko naubos lahat ng energy ko sa mga nangyari kanina lalo na sa pagitan namin ni Mama.
Si Mama... bakit ganun siya?
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at nagsimulang mag-text. Kailangan ko ng makakausap ngayon, kasi baka mabaliw na ako kapag hindi ko ito nailabas.
Pero sinong kakausapin ko? Kanino ako maglalabas ng problema?
Si April?
Hindi pwede. Sigurado puro si Gino lang itatanong nun at baka malaman pa nila yung tungkol sa kasal namin. Mas lalo namang ayokong sabihan si Auntie Cecile, sigurado matutuwa pa yon.
Si Joy kaya?
Pero nakakahiya naman sa kanya eh. Baka kapag nalaman niyang peke ang kasal namin ni Gino, baka isipin niya social climber ako.
....
Si Marco?
.....
....
Mas lalong nakakahiya sa kanya. Ang dami na niyang nagawa para mapasaya ako. Ayoko namang abusuhin yon.
Hay! Bahala na kung sino.
'Nakita ko na si Mama.' -Ako
Ilang saglit lang ay nag-reply na agad yung tinext ko.
'Really? So, what happened? :)' –Marco
Nabanggit ko kasi kay Marco yung tungkol kay Mama eh. Kaya sa tingin ko naman, okay lang na sabihan ko siya ng problema ko.
Nang ita-type ko na yung ire-reply ko, hindi ko napigilan ulit na maiyak kaya hindi ko na natuloy yung pagte-text ko. nakakahiya tuloy kay Marco.
Ilang saglit pa ay bigla nalang tumunog yung cellphone ko at nakita ko yung pangalan ni Marco. Pinakalma ko muna yung sarili ko bago ko iyon sagutin.
"Hello?" mahina kong sagot para hindi niya mahalatang umiiyak ako.
"Kukie? Okay ka lang?" halata sa boses niya yung pag-aalala pero hindi ko sya sinagot. Baka kasi biglang kumawala yung pinipigil kong hikbi eh. "Kukie?"
"Okay lang ako." Sagot ko habang pinipilit kong maging kaswal pero sa tingin ko hindi ko nagawa yon.
"Are you at home now? Pupuntahan kita."
"Hi-hindi na, Marco-" mabilis kong sagot pero hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi in-end call na niya.
Napasandal ako sa sandalan ng sofa at napapikit saka nagpakawala ng hininga.
Marco...
Maya maya ay tumulo nalang bigla yung luha ko pero agad ko iyong pinunasan ng palad ko at tumayo saka pumuntang kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko iyon ng tubig saka ininom. Pagtapos kong uminom, hindi ko na napigilang umiyak at napaupo sa sahig habang nakasandal sa counter.
Bakit Mama?
Ano ba ang nagawang kong kasalanan sayo? Siguro si Papa, may nagawang kasalan sayo pero bakit pati ako dinamay mo?
Anak mo naman ako diba? Dugo't laman. Pero bakit sukdulan ang galit mo sakin?
Akala ko pa naman, lahat ng ina sa mundo hindi kayang tiisin ang mga anak. Hindi pala lahat.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
