Chapter 4
-Nicole's POV-
Kailangan ko makausap si Gino. Kailangan mapag-usapan namin ito. Ayokong mawala siya nang dahil sa pesteng pagkakamali ko. Gagawin ko lahat –wag niya lang akong iwan.
Mahabang panahon rin akong nag-hintay at marami rin akong sinakripisyo para sa kanya. One year and a half ko ring inalagaan ang relasyon namin. Ayokong masayang lang ang lahat ng iyon.
Good thing humingi ako ng spare key sa unit niya noong mag-anniversary kami. I'm sure nandito siya ngayon. Imposible kasing magkasama sila ni Marco kasi nasa Shanghai siya ngayon.
In-unlock ko yung pinto ng unit niya at saka pumasok. Dederetso sana ako sa room niya pero narinig ko siyang tumatawa. I knew it. He's here.
Pero...
Sinong kausap niya at tuwang tuwa siya? Minsan ko lang marinig si Gino na ganito kasaya. Kapag kasama niya lang sila Marco and his other friends. Nandito kaya sila?
Sa paglakad ko, nakita ko si Gino na nakaupo sa harap ng countertop niya –nakatalikod sya sa direksyon ko. su-surprise ko sana siya pero nakita ko kung sino yung nagpapasaya sa kanya ng ganito –it's a girl.
"Gino?" seryoso kong tawag sa boyfriend ko at agad naman siyang lumingon sa direksyon ko.
Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya noong lumingon siya. But when he realized na ako iyong tumawag sa kanya ay napalitan iyon ng gulat.
"Nicole?"
Napansin kong nakatingin sakin yung babae pero hindi ko siya pinansin at ngumiti lang kay Gino at lumapit sa kanya.
"Hi Baby. I missed you so~ much." Sabay kiss sa lips niya at pulupot ng kamay ko sa leeg niya pero bigla niya akong tinulak ng mahina para hindi ako makadikit sa kanya saka siya tumayo. Uh! What the!?
"What are you doing here?" exasperated niyang tanong sakin. Hmp!
-Kukie's POV-
Siya pala yung girlfriend ni Gino na sinasabi ni Mamsie. Ang ganda niya. Nahiya ako bigla sa itsura ko. parang katulong na katulong tuloy ang dating ko sa kanilang dalawa. Hayy~
"Can we talk?" mahina yung pagkakasabi nung girlfriend ni Gino pero dahil sadyang malakas lang ang panrinig ko, narinig ko iyon. Hahaha!
Napatingin ako sa girlfriend ni Gino at nagulat ako nung nakatingin din pala siya sakin. Yung parang nagpapahiwatig siya na umalis muna ako dahil mag-uusap sila.
Nilapag ko muna yung mangkok na hawak ko kanina at saka naglakad paalis ng kusina. Pero napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong hilahin ni Gino sa braso ko dahilan ng pagkaka-out of balance ko. Mabuti nalang hawak niya ako kundi nasubsob na yung mukha ko sa sahig. Tsk! Masyado yatang natutuwa si Gino sa paghila sakin ah?
"Aray! Ano ba?!" sigaw ko at napatingin ako ng masama kay Gino.
"Where are you going, Babe?"
...
...
...
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomantizmSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
