Chapter 18
-Kukie’s POV-
“Ano bang iniisip mo, Iha? Bakit hinayaan mo lang sila?” sermon ni Mamsie sakin, pero yung sermon na mahinahon, di tulad nang kila Gino kanina. Pero hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi naman sumisigaw si Mamsie.
Isa pa, hindi ko rin masagot si Mamsie, kasi hindi ko alam kung bakit ko sila hinayaan doon sa sala. Natatakot akong makialam pa sa buhay nila. Natatakot akong baka magalit sila sakin. Hindi ko talaga alam kung ano yung gagawin ko nung time na iyon.
“Mamsie, sorry po.” Yun nalang yung nasabi ko habang umiiyak sabay marahan akong niyakap ni Mamsie.
Maya maya, napansin ni Mamsie yung mga planggana ng tubig saka ako tinanong.
“Sinong may sakit?” napatingin ako sa kanya,
“Si Gino po, Mamsie.”
“Si Gino?” gulat niyang ulit, “May sakit na ang batang iyon, tapos nagawa niya pang makipag-“ tuloy niya pinutol niya iyon saka pasimpleng tumingin sakin. Tumitig muna siya sakin bago bumuntong hininga saka nagsalita ulit. “You stayed up all night?” tanong niya at tumango naman ako.
“Iha?” napatingin ako kay Mamsie at hinintay siyang magsalita ulit, “I know, you don’t like my son. But… can I ask you a favor… again?”
“Kahit ano po, Mamsie.” tanong ko at hindi ko napigilang kabahan. Ito nanaman po tayo. Sana wag muna yung baby, Please. Hindi pa ako ready.
“Please change my son and make him love you.”
Natulala ako bigla sa sinabi ni Mamsie na parang hindi pa nagpa-process sa utak ko yung kung ano man yung sinabi niya.
Ano daw?
“Uhm, Mamsie,? A-ano pong…” alangan at utal kong tanong habang napapakamot pa sa ulo ko hanggang sa makahanap na ako ng tamang sagot kay Mamsie, “Mamsie, hindi ko naman po hawak ang puso ni Gino.” Paliwanag ko sa kanya.
“I know. Pero, anak, I’m desperate. I want a grandchild as soon as possible. And I want him to be happy.”
“Sa tingin ko po, Mamsie, hindi po ako ang makakapagpasaya kay Gino.” Tri-ny kong wag maging malungkot yung boses ko pero sa tingin ko, hindi ko nagawa.
“Iha?” napatingin ako kay Mamsie at hinintay ulit yung sasabihin niya hanggang sa hawakan niya yung kamay ko na nasa lap ko, “You’re starting to like Gino, Aren’t you?”
Si Gino? Gusto ko? May gusto na ako kay Gino? Talaga? Totoo? As in? Parang… hindi… naman…?
Hay~ bakit ba kasi ganun? Parang gusto ko na nga si Gino na ayaw ko sa kanya. Naguguluhan na ako sa sarili ko.
Gusto ko na nga ba talaga siya?
Hindi?
Oo?
Hindi. Hindi nga kasi pwede! Wag kang tanga, Kukie. Sasaktan mo lang ang sarili mo kapag hinayaan mong magkagusto sa Higanteng mayabang na iyon.
“Anak, bakit hindi mo sabihin kay Gino? Alam mo, nararamdaman kong gusto ka na rin ng anak ko.”
“Mamsie, nakita nyo naman po kanina, diba po?” malungkot kong pagpapa-alala sa nangyari kanina, “Si Nicole parin po ang mahal ni Gino, at hindi na po siguro magbabago iyon. Si Nicole lang po ang makapag-papasaya sa anak niyo.” Dugtong ko nang naka-iwas ng tingin kay Mamsie at narinig ko siyang bumuntong hininga saka hinaplos ang buhok ko bago ako yakapin.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
