Chapter 32
-Gino's POV-
"Aw!" napasigaw ako nang hampasin ako ni Pandak sa dibdib ko saka ako natawa.
"Nakakainis ka!" sabi niya glaring at me.
I'll tell you what happened after ng very romantic proposal ko sa kanya. Yeah that's what I believe. Hahaha! Anyway, after nga ng proposal ko to my now-fiancee, well, we kissed like about five minutes, I think, bago umeksena ang napaka on-time kong kaibigan at inagaw si Kukie. Hayy~ great job, Joy. Great job.
Then, after kaming i-congratulate ng halos lahat ng tao sa resort, we just dance hanggang sa maalala kong may surprise pa pala ako kay Pandak kaya bumalik kami ng kwarto niya at habang pabalik kami, tinanong niya ako kung bakit ako nandito na dapat nasa London pa ako and I told her the whole truth dahilan para mahampas niya ako. Hahaha!
Actually kasi, hindi talaga ako nagpunta ng London. Dito talaga ako sa Batangas nagstay ng ilang weeks para i-prepare ang lahat at para magpa-miss na rin kay Pandak. And for the help of Joy and Marco, naging successful naman ang plans ko. Before din ako magpunta dito, dumaan ako kay Eomma sa ospital to tell her about everything and my real feelings for Kukie. Syempre, tuwang tuwa si Eomma kasi ito naman talaga ang gusto niya eh. And I too am happy na napasaya ko si Eomma.
"Sorry na~" sabi ko na parang bata after kong tumawa and I linked our fingers together at tinaas ko iyon saka ko hinalikan yung daliri niyang may engagement ring na sinuot ko sa kanya kani-kanila lang.
"Ewan ko sayo! Naiinis parin ako." sabi nya still glaring pero tinawanan ko lang ulit siya.
"Okay lang. But I'm pretty sure na mawawala yan as soon na makita mo yung surprise ko for you." I said smiling then kiss her cheeks before we stop in front of her room door. "Ready?"
-Kukie's POV-
Tiningnan ko siya ng masama pero nakangiti parin siya. Nakakainis kasi eh. Nagdrama-drama pa naman ako tapos hindi naman pala siya pumuntang London. Kainis diba? Argh! Dahil sa inis ko, hindi tuloy ako naeexcite sa sinasabi niyang surprise sakin. Hmp.
Nakita ko yung kamay niyang sumenyas na buksan ko yung pinto ng kwarto ko. tiningnan ko muna siya ng masama ng ilan pang segundo bago ko buksan yung pinto. Hindi ko pa man din nabubuksan yung pinto, nakaamoy na ako ng bulaklak. At sa pagbukas ko ng pinto ko, nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa nakita ko. Napatakip ako ng bigbig ko habang may shock parin akong nararamdaman... at feeling ko lumutang ako sa sobrang tuwa.
"Oh my gosh, Gino! Saan ka nakakuha ng ganito karaming Forget-me-not at White rose?" Oo, marami. As in marami na halos wala ka nang malakaran sa sobrang puno ng kwarto. Parang gusto ko ngang mag-dive eh.
Oh my gosh! Hindi talaga ako makapaniwala. Oo, nagtatrabaho ako sa flower shop noon, pero iba iba naman ang mga bulaklak doon. Ngayon lang ako nakakita ng isang kwarto ng Forget-me-nots at white roses lang ang laman. Ang sarap sa pakiramdam na halos gusto ko nang umiyak lalo na, na ito ang favorite flowers ko.
"Hmmm... let's just say... I'll do anything just to make you happy." Sabi niya at napatingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya yung honesty. "I love you, Kukie. Honestly, I... I don't really know how did this happened... basta... ugh! I don't even know how to explain it. I can't think of anything..." tuloy niya at napangiti ako kasi ang cute niya kapag nahihiya siya at kinakabahan. Hahaha. "Ikaw lang kasi nasa isip ko eh." Dugtong niya at natawa ako saka siya inirapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/15642242-288-k741137.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...