Chapter 33
-Gino's POV-
AH! It's so tiring. Lahat ng ginawa ko this past few weeks, ngayon ko lang naramdaman yung pagod.
I dropped all ours bags on the floor saka ako sumalampak sa sofa. "It's nice to sit here again."
I heard a clearing throat kaya napadilat ako at agad na napangiti. Parang nawala bigla yung pagod ko.
"Maglinis ka na." biglang nawala yung ngiti sa labi ko at nagtaka sa sinabi ni Pandak.
"What?"
"Sabi ko, maglinis ka na. Maaga pa naman eh." Ulit niya saka naglakad papunta sa mga bag namin saka lumingon ulit sakin sabay turo sa bag niya. "Ito yung maruruming damit. Bukas mo nalang labhan."
"What?" ano daw? Sinong maglalaba at maglilinis?
"Hayy~ nabingi ka ba?" tanong niya sabay pamewang ulit. "Sabi ko-"
"I," putol ko sa kanya. "I heard what you said. I mean... Bakit..." tuloy ko but it seems like I couldn't find my words.
"Parusa ko sayo yan." Sabi nya at talagang na-shock ako doon.
"P-parusa? For what?"
"Kasi nagsinungaling ka." Napataas ako ng kilay ko saka natawa. Awe~ she's so cute~ "Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan ko nung nagpunta ka ng kunwaring-London? Hmp!" she complaint, pouting. Halata sa boses niya yung inis pero hindi ko parin mapigilang matawa. "Nilinis ko kaya itong buong unit mo! Hanggang sa kasulok-sulukan! Lahat ng pwedeng labhan dito, nilabhan ko! nakakapagod kaya yon!" tuloy niya while stomping her feet. Ah~ really cute.
Tumayo ako at dahan-dahang lumalapit sa kanya habang patuloy parin yung pagrereklamo niya at pagkukwento ng halos lahat ng ginawa niya dito sa bahay noong mga araw na miss na miss na miss niya ako. Hahaha.
-Kukie's POV-
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong slow-mong lumalapit si Gino sakin habang may ngiti sa mga labi niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kung ano man ang binabalak niyang gawin kaya nagready na sana akong tumakbo nang bigla siyang nawala sa paningin ko.
Napatingin ako sa baba at doon ko siya nakitang nakahandusay. Nadapa pala ang loko. HAHAHAHA! Parang tanga lang 'to si Gino. Nagpapatawa, hindi naman kalbo. HAHAHAHA! Imagine-in mo, isang higante, nadapa. Hahahaha!
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan yung pagtawa ko. Napaangat siya ng tingin sakin at sobra talagang laftrip yung reaction niya. I'm sure, hiyang-hiya na yan sa ka-shungaan niya.
"Anyare sayo?" patay malisya kong tanong sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo kasabay ng pagpulot niya ng isang bag sa sahig.
"Uhm...." Sabi niya nang hindi makatingin sa mukha ko kaya napakagat labi ako dahil sa pagpigil ng tawa ko. "Pi-pinulot ko lang yung- ano... yung... ito." Utal niyang sagot kaya lalo gustong kumawala ng tawa ko. Nauutot na nga ko sa sobrang pigil ko sa tawa ko eh. Hahahah! Pati tuloy ako, hindi na makatingin sa kanya eh. Baka magtampururut. Hahaha.
Narinig ko siyang umubo saka nagsalita. "S-saan ba ilalagay ang mga ito?"
-Gino's POV-
Nilapag ko sa tabi ng kama ko yung huling bag saka tahimik na sinilip si Pandak sa labas. I saw her in the kitchen doing i-don't-know-what in front of the fridge saka ko marahang sinara yung door ng kwarto ko and finally did the crazy soundless scream.
BINABASA MO ANG
Finding Love
Storie d'amoreSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
