ღ Chapter 9 ღ

43 3 0
                                        

Chapter 9

 

-Kukie’s POV-

“Hoy Pandak!”

Inis akong lumingon kung saan nanggagaling yung boses na iyon saka siya inis din na sinagot, “Bakit Kapre?”

Narinig kong suminghal si Marco mula sa gilid ko pero hindi ko nalang siya pinansin.

Napansin kong may kinuha si Kapre sa bulsa niya at nagulat nalang ako nang bigla niya iyong ihagis sakin. Pagtingin ko, yung cellphone ko pala.

 Tsk! Halimaw talaga itong higanteng ito. Mabuti nasalo ko. Palibhasa siya maraming pambili.

Teka. Naiwan ko pala ito?

Magte-thank you na sana ako nang unahan niya ako magsalita.

“Hay! Wala na ba talagang mapaglagyan ng katinuan yang utak mo? Huh? Weirdo ka na nga, tanga ka pa.”

“Hey! Hey! Bro!” Sabi ni Marco sabay lapit kay Gino, “Wag ka namang ganyan kay Kukie.” Dugtong pa niya sabay bulong at napatingin naman si Gino sa kanya bago sakin.

Hindi ko alam kung ano nanaman yung binulong ni Marco pero wala na akong pakialam doon. Basta sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Napakasakit kasi ng mga sinabi ni Gino sakin.

Okay lang na sabihin niya sakin iyon sa bahay pero dito sa harap ng maraming tao? Lalong lalo na sa harap ni Joy? HAH! Hindi ako magpapa-api sa impaktong higanteng ito.

“Napakasama mo.” Pauna ko habang masama ang tingin kay Gino.

“Bakit? Sino ka ba para sabihin sakin ang mga iyan? Huh?! Wala kang karapatang sabihin sakin ang mga iyan!” sabi ko nang pataas ng pataas yung boses ko.

Magsasalita pa sana ako kaso nabitin iyon nang magsalita si Marco.

“Teka! Teka! Wag kayong magsigawan dito. Please lang.” pakiusap ni Marco na nasa gitna namin ni Gino, “Joy, get her out of here, please. Ako nang bahala kay Gino.”

“Uhm.. I-I… O-okay. Kukie, let’s go.” Litong lito yung tono ni Joy na nasa tabi ko saka ako sinama sa kung saan.

Akala ko papauwiin na ako ni Joy. Pero dinala niya lang ako sa likod ng bahay kung saan walang tao.

“Uuwi na ako.” mahinang sabi ko kay Joy at maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

“Wait.” Pagpigil sakin ni Joy at hinawakan pa niya ako sa braso ko.

“Uhm... I know, wala ako sa position to ask this, but Gino is my friend. At sa mga nakita at narinig ko kanina, mukhang close kayo.” Sabi ni Joy ng deretso ang tingin sakin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Natatakot kasi ako baka malaman niya.

Ayokong magsinungaling kay Joy pero kailangan. Para na rin sa ikabubuti ng impaktong kapre na iyon.

Hay! Isipin ko palang yung pangalan niya, naiirita na ako. tsk!

Napakasama talaga niya. Wala man lang siyang pakundangang sabihin sakin ang mga iyon.

Nanggi-gigil talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang sapakin sa mukha. Gusto ko siyang kalbuhin sa sabunot para lumabas sa katawan niya yung kayabangan niya.

“Uhm… Ano bang relasyon niyo ni Gino?” tanong ni Joy.

Gosh! Ano ba? Sasabihin ko ba? Baka magalit nanaman yung impaktong iyon. Anong sasabihin ko?

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon