Chapter 7
-Kukie’s POV-
“Ano na ba ang gagawin natin?” mahina at nanlulumo kong tanong kay Gino na nasa sofa sa gilid ng kama kung saan ako ngayon naka upo.
Tumingin ako kay Gino nang hindi siya sumagot sa kanina ko pa tinatanong sa kanya ng paulit-ulit at nakita kong busyng-busy siya doon sa iPad niya.
Ano bang ginagawa niya? Tsk!
“Hoy!” tawag ko sa kanya pero yung mata niya lang yung gumalaw at saka binalik rin agad doon sa kung ano man yung ginagawa niya doon.
Hay! Nakakainis naman oh!
Inis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka kinuha yung paper bag na binigay ni mamsie sakin kanina. Pam-palit ko daw iyon na damit saka ko hinarap ulit si higanteng Gino.
“Hoy! Pumasok ka nga muna sa banyo. Magpapalit lang ako ng damit. Kanina pa ako nangangati dito sa damit-“ naputol yung sinasabi ko nang biglang sumagot si Gino ng pabalang.
“Wag mo nga akong inuutusan, Pandak! Bakit hindi ikaw ang pumasok doon sa banyo at doon ka magpalit?”
Biglang nag-init yung ulo ko at kumulo yung dugo dahil sa sinabi ni Gino kaya hindi ko napigilang sagutin siya.
“Ang yabang mo talaga! Kung maka-Pandak ka diyan akala mo kung sino kang higante ka! KAPRE! Kulang nalang sayo, tabako eh, para mukha ka na talagang kapre. HAH!” sabi ko sabay bleh sa kanya.
“Tss! Ang dami mo talagang alam eh no? Kaya wala nang pumapasok na kapaki-pakinabang diyan sa utak mo kasi puro weird na words ang laman ng utak mo!”
“Hoy! Hindi weird ang word na iyon, ano! Diba matalino ka? Bakit hindi mo alam iyon? Try mo i-search sa google para malaman mo kung ano yung KAPRE. Gusto mo i-spell ko pa para hindi ko na mahirapan eh. G-I-N-O, Kapre.”
Nakita kong kumunot yung noo niya bago tumingin saglit doon sa screen ng iPad niya at kitang kita ko ang paglaki ng mata niya at napanganga pa sa gulat saka tumingin ng masama sakin.
“G-I-N-O?! G-I-N-O, KAPRE?!” galit na galit niyang sigaw sakin at napa-straight pa siya ng upo niya sa sobrang inis habang ako naman ay nagpipigil ng tawa.
“GINO IYON EH! PANGALAN KO IYON! PAANO NAGING KAPRE IYON?! HUH!?” sigaw pa niya habang nanlalaki pa ang mga mata niya. “Baliw ka ba?! Sa sobrang katangahan mo pati spelling hindi ka marunong!”
“Ang yabang talaga.” Bulong ko sa sarili ko, “Kapre!” asar ko sa kanya sabay padabog na pumasok sa banyo saka nagpalit ng damit.
Humarap muna ako sa salamin saka kinausap ang sarili.
“Nakakainis talaga siya! Ang yabang yabang! Ngayon palang gusto ko nang sumuko. Ayoko na! makikipag devorce na ako- ah teka. Wala palang devorce dito sa Pilipinas.”
“Makikipag-annul na ako!”
“Pero paano yung promise ko kay Mamsie? Paano yung promise din namin kila Lola at Auntie? Baka magalit nanaman sakin si Toni.”
Nagtataka kayo kung ano na ang mga nangyari, ano?
Tama ang hinala niyo. Kinasal na nga kami nung mayabang na higanteng iyon kanina. Kaya ngayon nandito kami sa hotel kung saan ginanap yung wedding ceremony at reception.
![](https://img.wattpad.com/cover/15642242-288-k741137.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomantizmSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...