Chapter 3
Nandito na kami ngayon sa sala ni Gino. Tahimik na nakaupo at magkaharap.
Siguro kung nakakamatay lang ang masamang titig, kanina pa ako pinaglalamayan- ah hindi pala. Kanina pa ako nakalibing –wala nga palang pupunta sa lamay ko kung saka-sakali. Hahaha! Grabe kasi makatitig itong anak ni Mamsie eh. Pakiramdam ko sisistensyahan na ako –nakakatakot.
Nakakatawa pa yung upo niya. Lalaki ba talaga ito? Ang arte eh. Naka cross-leg at arm siya tapos relax na relax yung pagkakasandal niya doon sa sandalan ng sofa nya.
Ano na nga pala ang nangyari matapos kong makita yung –ehem!– hubad niyang katawan at itulak ako palabas ng banyo niya?
Ayun! Lumabas din siya ng banyo nang may suot nang damit at marahas akong hinila sa braso papunta dito sa sala niya at pilit akong pinapaamin sa bagay na hindi ko naman ginawa at hindi ko pa nagagawa at mas lalong wala akong balak na gawin.
Ang sakit parin nga ng braso ko eh. Ang higpit kasi nung hawak niya. Tsk!
“Hoy! Umamin ka na kasi! Ipapapulis kita!” pagpilit parin niya sakin.
Nainis na ako sa sinabi niya kaya ginaya ko yung posisyon niya at sinagot siya ng pabalang, “Hoy ka rin! Eh bakit ba ang kulit kulit mo? Ha? Sinabi na ngang hindi ako magnanakaw eh! Meron bang magnanakaw na nililinis yung bahay at ipinag-grocery pa yung may-ari?! Ha?!” inis kong sabi habang nanlalaki pa yung mata ko sa inis.
Napansin kong gumalaw yung mata niya at sa tingin ko tumingin siya doon sa kusina kung nasan yung mga pinamili ko kanina at saka bumalik yung masamang tingin niya sakin.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pumunta sa harapan ko kaya napaatras ako kahit wala naman akong aatrasan dahil nakaupo ako sa malambot niyang sofa saka na marahas nanaman akong hinila sa braso ko dahilan para mapatayo ako at hinila ako papunta sa pinto palabas.
“ARAY KO!” sigaw ko habang nagpapahila sa kanya. Kaloka! Ngayon ko lang napansin na ang tangkad pala niya. Hanggang dibdib niya lang ako –oo na inaamin ko, pandak ako. 5 feet lang ang height ko. Eh ano naman? Maganda naman ako. Hahaha! Joke lang!
Napatigil si Gino sa paghila sakin nang biglang may mag-doorbell. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya nang makita si Mamsie.
Tinext ko nga pala si Mamsie kanina noong mga oras na binabato pa ako ni Gino ng masasamang titig niya. HAH! Magaling kaya ako mag-text kahit hindi ako nakatingin sa screen ng cellphone ko. Haha!
“Ma?”
“Oh anak! Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Mamsie saka siya pumasok sa loob.
“Ma! Bahay ko ‘to. Anong ginagawa mo dito?” tanong din ni Gino sa nanay niya.
“Eh kasi tinext ako ni Kukie kaya nagpunta agad ako.” Casual na sagot ni Mamsie with matching kibit-balikat pa habang naglalakad siya palayo samin.
“Ku- who!?” inis na tanong ni Gino.
“Kukie!” sagot ni Mamsie sabay harap samin at bigla kaming natahimik lahat. Nakita siguro ni Mamsie kung paano ako hawakan ni Gino, “Son? Mo&*##@%”
…
…
…
A-ano daw? Mo-&#(@&$
Napanganga ako doon sa sinabi ni Mamsie kay Gino. Mahina lang ba talaga ang pagkakarinig ko o talagang hindi ko naintindihan sinabi niya?
Pero infairness ah, binitiwan ako ni Gino. Salamat doon sa kung ano man ang ibig-sabihin ng sinabi ni Mamsie.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
