Chapter 6
-Kukie’s POV-
Heto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan.
Charot lang! Hehe.
Hayy~ kanta kanta nalang pag may time. Pampawala lang ng stress.
Grabe! Napagod ako ngayong araw. Pagtapos ko kasi pumasok sa Flower Shop, dumeretso ako sa office ni Mamsie sa WGM.
Oo nga pala. Since engaged na ako kay Gino –psh!– tinanggal na rin ako ni Mamsie sa pagiging katulong ng masungit niyang anak. Binigyan niya nalang ako ng trabaho dito sa kumpanya niya bilang clerk.
Pero itong halimaw niyang anak, feeling niya katulong parin niya ako.
Pagtapos ko kasi doon sa WGM, aba’y tinext ako ng magaling na higanteng iyon at bakit daw hindi ako naglinis ng bahay niya.
HAH! Pasalamat siya, sisiw lang sakin ang maglinis ng bahay niya kaya hindi na ako nagreklamo ng bongga.
Dapat nga doon ako matutulog eh. Kasi doon na ako pinapatira ni Mamsie. Kaso ang impakto –pinalayas ako! hayop talaga! Ayaw niya daw kasi ako makita sa umaga dahil masisira na raw ang buong araw niya pag nagkaganoon.
Argh! Nakakainis siya! Ang yabang yabang talaga niya! Gustong gusto ko talaga bawasan yung height niya para masapak ko siya sa mukha! Tsk!
Mabuti nalang mabait si Mamsie at dito niya muna ako pinatuloy sa bahay niya.
Grabe! Ang ganda ganda ng bahay niya. Ang laki laki. Mabuti nalang hindi niya ako dito pinaglinis. Sigurado kasing kulang ang isang araw para malinis ang buong paligid eh. Whew!
Sabi niya, silang tatlo ng asawa niya at anak niyang bunso yung nakatira dito at iilang katulong. Pero yung asawa niya hindi madalas umuwi kasi busy sa trabaho. Engineer daw kasi yung asawa niya eh at may malaking project silang ginagawa ngayon.
Yung bunso niya naman… sabi ni Mamsie, bahay-school-bahay lang daw iyon. Pero hindi ko naman siya nakita dito pag-dating ko. Siguro tulog na siya.
Iniisip niyo ba kung anong nangyari matapos akong pagkamalan nung higanteng iyon na bakla ako?
Ayun. Nag-hysterical siya doon.
=flashback=
“SH*T! YOU’RE A GAY!?!?!”
Panandalian naming tinitigan si Gino bago kami magtawanan ni April.
“Sinong sinasabi mong bakla? Ako? Ahahahah!” natatawa kong tanong kay Gino at napansin ko yung itsura niya parang mababaliw. Alam niyo iyon? Yung parang hindi siya makapaniwala. Ahaha! Nakakatawa talaga yung itsura niya ngayon.
“You tricked us! You- Argh!” galit na galit niyang sabi sakin pero tinawanan ko lang siya ulit.
“Ano bang pinag-sasabi mo diyan? Ha?” natatawa ko ulit na tanong sa kanya pero tinapunan niya lang ako ng masamang tingin. “Hindi ako bakla. Shunga! Babaeng babae ako, boplaks!”
Napansin kong kumunot yung noo niya –siguro hindi nanaman niya naintindihan yung sinabi ko? Saan ba talaga galing planeta ang taong ito? Haha!
“Hindi ako bingi! Malinaw na malinaw kong narinig yung sinabi ng kaibigan mo!” sagot niya sabay turo kay April na natatawa rin sa reaction niya.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
