ღ Chapter 31 ღ

19 1 0
                                    


A/N: I do not own the video. enjoy reading, everyone! *^^


Chapter 31


-Kukie's POV-


Pagbalik ko sa tabi ni Joy, pinapakita na ng magician yung black hat niya at pulang tela. Nilapag niya yung sombrero sa bilog na lamesa sa tabi saka niya tinakip yung pulang tela doon.

"Bakit ang tagal mo?" napatingin ako kay Joy at sa pagtingin ko sa kanya ay para siyang nagulat.

"Tumawag kasi si Gino eh."

"Ahh, kaya pala namumula yung mukha mo eh." Natatawa niyang sabi at agad naman akong napahipo sa pisngi ko dahilan para tuluyang tumawa si Joy. Sa sobrang hiya ko, binalik ko nalang yung tingin ko sa magician na sa ngayo'y tila dinadasalan yung sombrero hanggang sa maalala ko si Marco.

"Nandito daw si Marco. Nakita mo ba siya?" mabilis na napatingin si Joy sakin na may pagkagulat ang expression.

"Nandito si Marco?"

"Ewan ko. Narinig ko lang naguusap yung mga babae sa CR kanina, nakita daw nila si Marco kanina. Alam niya kayang nandito tayo?"

"Uhm.." sabi ni Joy at napansin kong ilag yung mata niya. Tatanungin ko na sana siya nang bigla nalang nalaglag yung puting kalapati sa harap ng mukha namin ni Joy kaya napatili kaming dalawa sa sobrang gulat. Narinig kong nagtawanan yung mga tao pero hindi ko nalang pinansin at napahawak nalang sa dibdib ko.

"Oops, sorry. Sorry po. Pagpasensyahan nyo na po ang alaga ko. Akala kasi niya, kayo ang mga Dyosa niya." Sabi nung magician nang hindi umaalis sa stage. Natawa nalang kami ni Joy at kinalimutan yung usapan namin kanina.


Maya maya may hinila yung magician na puting panyo mula sa dulo ng manggas ng suit niya at hinarap ito sa audience. Pinasok niya iyon sa kaliwang kamao niya saka lumapit sakin at pinaihip yung kamao niya sakin. Kasabay ng pag-ihip ko, nagulat ako ng bongga nang bigla niyang ibuka yung palad niya sa harap ko at naging white rose yung kaninang puting panyo.

"Wow!" sigaw ko saka niya ibinigay sakin yung white rose at kasabay niyon ay ang palakpakan ng mga tao.


Kaloka, ang galing ni kuyang magician. Paano niya kaya nagagawa yun? Ang galing talaga niya. Kanina, yung sombrerong walang laman, nagkaroon ng kalapati. Ang galing. Nakaka-elib talaga ang magicians no? Nakakatuwa sila.


Akala ko tapos na yung contribution ko, hindi pa pala. Kasi sinama niya ako paakyat ng stage. Ayoko nga sana, kaso pinagtulakan ako ni Joy. Kaloka. Ano naman kaya ang ipapagawa sakin nito ni Kuyang magician? Napatingin ako sa malaking box na nasa bandang likod at agad akong nakaramdam ng takot. Oh my God! Jusko Lord! Wag mo ako ipapasok diyan, Kuya. Ayokong mamatay dyan no.

Habang hinihintay ko kung ano ang papagawa sakin ng magician, lumapit sakin yung sexyng assistant niya at hinila ako palapit doon sa box at agad akong kumawala sa kanya.

"Hala Ate, papasok niyo ako dyan?!" gulat kong tanong at alam kong nakuha ko ang atensyon ng lahat. Narinig ko ulit nagtawanan yung mga audience at lumapit naman sakin yung magician.

"It's okay, Miss. Hindi ka pa mamamatay." Natatawang sabi nung magician saka siya lumapit doon sa isa pang lamesa at inalis yung blueng tela at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Medyo masasaktan ka nga lang and I apologize for that in advance." Sabi niya habang pinupunasan yung espada ng puting tela habang nakasmirk.

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon