Chapter 1
"Itong dalawang dosenang red roses ang unahin mo. Rush yan. Bumalik ka kaagad at Isunod mo 'tong limang bouquets sa Pasay." Utos ni Mrs. Galang –may-ari ng flower shop na pinagtatrabahuhan ko.
Hello! Ako nga pala si Kukie. 22 years old. Dakilang NPA –No Permanent Address. Hahaha!
Simula noong lumuwas ako ng Maynila –pagka-tapos kong grumaduate ng high school, kung saan saan na ako nakikitira. Kung saan ako nagtrabaho, doon ako nagpapalipas ng gabi. Mabuti nalang yung mga napapasukan ko, mababait –Kahit yung iba medyo masungit.
"Eh Madam, unahin ko na po kaya yung sa Pasay?" Suggest ko.
"Sinabi ko... unahin mo yung pulang rosas! Dahil rush iyon! Hindi ka ba nakikinig?" sermon niya.
"Eh Madam, para makabalik ako ka-agad-" sabi ko pero pinutol iyon ni Mrs. Galang.
"Ang kulit-! Sinuswelduhan kita rito para sundin ang mga utos ko." paalala niya sakin. "Anong gusto mo? Ide-deliver mo yang mga rosas? O hindi ka susweldo?" tanong niya sakin na kahit alam naman naming dalawa kung ano ang sagot.
"Ito na nga po oh. Excited na nga po ako sa mahabang biyahe eh. Adventure 'to!" sabi ko habang inaayos yung mga red roses na ide-deliver ko. medyo sarcastic din ang pagkakasabi ko pero hindi ko pinahalata. Hehe.
Hayy~ blinackmail nanaman ako ni Madam. Tsk tsk tsk.
"Bilisan mo ah. Nang makaabot ka sa lunch." Demand niya.
Pero kahit masungit si Madam, mabait naman siya. Kapag inaabot ako ng tanghali, pinapakain niya ako. Alam niya kasi kung ano ang sitwasyon ko eh.
Sa totoo lang. ayaw ko ng ganitong buhay.
Yung kung saan saan nakikituloy.
Nagmamaka-awa para bigyan ako ng trabaho para maka-kain lang.
Ang gusto ko lang naman ay mahanap si Mama.
Sabi ni Auntie Cecile –yung pinsan ni Papa. Noong pinanganak ako ni Mama, iniwan agad ako at umalis para mangibang bansa.
And kwento naman sakin ni Lola –yung mama ni Papa. Pinalayas niya daw si Mama kasi ayaw niya sa Mama ko.
Ang sabi naman ng mga kapitbahay namin, sumama daw sa lalaki niya.
Ang gulo diba? Sino ang paniniwalaan ko?
At dahil sa gusto ko talaga makita at makilala si Mama, lumayas ako samin sa probinsya para hanapin si Mama at nagbabaka-sakaling nandito parin siya sa Maynila.
"Good afternoon!" masayang bati nung babae. Medyo may edad na siya. Siguro nasa 45 na siya.
Oo nga pala. Kanina pa ako nakabalik dito matapos ko ideliver lahat ng bulaklak mula Cavite, Pasay, hanggang sa Quezon City. Dapat talaga hanggang 1PM lang ako dito. Pero inabot ako ng 3PM. Grabe. Napagod ako sa pagda-drive nung delivery mini-van. Oo. Iyon ang gamit ko sa pagdedeliver ng mga bulaklak.
"Good afternoon po. Ano pong bulaklak ang gusto niyo?" Masaya ko ring salubong sa kanya.
"Oh~ you're pretty. Are you new here?" tanong niya sakin at naramdaman kong naginit yung pisngi ko.
Napangisi nalang ako sa sinabi nung babae hanggang sa dumating si Mrs. Galang.
"Oh Mrs. Han!" excited na bati sa kanya ni Mrs. Galang at saka sila nagbeso beso.
Biglang napatingin sakin si Mrs. Galang at para bang nagulat siya na makita ako.
"Oh? Akala ko aalis ka na?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
