Chapter 16
-Gino's POV-
Ang sakit parin ng katawan ko. Hinding hindi na talaga ako matutulog sa sofa. Paano kaya nakakaya ni Pandak na matulog doon? Ilang minute palang akong nakahiga doon, ang sakit na agad ng leeg ko. Napilitan tuloy akong tabihan siya sa kama.
Wala talaga akong balak tumabi sa kanya. Kapag malapit kasi ako sa kanya, para akong nasu-suffocate, kaya hangga't maaari, ayokong lumapit sa kanya. Hindi ko rin alam kung kelan ito nagsimula. Nakaka-badtrip. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Para akong lalagnatin. Pagod lang siguro 'to.
"Wag ka mag-alala, Han Jin Oh. 2 days nalang, makakauwi ka na. Hwaiting!" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa beach nang mapansin kong wala na si Marco sa harap ko.
"Nasaan na yung baliw na iyon? Ang bilis naman niyon." Sabi ko ulit sa sarili ko habang nililibot yung tingin ko sa paligid, "Aaya-ayain ako, tapos biglang mang-iiwan?" napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makita ko si Marco na nilalagyan ng, probably sunscreen si Joy, at sa tabi nila...
...si Pandak ba yon? Bakit balot na balot siya ng towel?
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong tumingin sakin si Pandak.
Ayan nanaman, para nanamang may nakabara sa lalamunan ko.
"Yo!" sigaw ni Marco habang kumakaway sakin at lumapit naman ako sa kanila nang hindi tumitingin kay Pandak.
"Hi Gino." Bati sakin ni Joy habang umuupo mula sa pagkakadapa niya saka ako umupo sa upuan sa tabi nila. Pasimple akong tumingin kay Pandak at nakita kong nakatingin lang siya sa malayo. Tinitigan ko lang siya hanggang sa marinig ko si Joy na umubo at agad akong napatingin sa kamay ko.
"Gino, wala pang sunscreen si Kukie. Pakilagyan naman siya." Agad akong napatingin kay Joy na nanlalaki pa ang mga mata, bago kay Pandak at nakita kong nagulat din siya sa narinig niya. Narinig ko ring pasimpleng tumawa si Marco pero hindi ko na pinansin.
Ano? Sinong lalagyan ko ng sunscreen? Si Pandak? No way!
"Hi-hindi, okay lang. Wag na, Gino."
"As if," Bulong ko sa sarili ko nang nakaiwas ng tingin sa kanila, pero sa tingin narinig nila iyon.
"Maging sweet ka naman, Bro." sabi ni Marco sabay tapik sakin ng kamao niya at tiningnan ko lang siya ng masama.
"Oo nga. Marco, ikaw na nga lang mag-lagay kay Kukie." Napatingin naman ako kay Joy at nakita kong naka-smirk siya.
"Sure." Masiglang sagot ni Marco sabay harap kay Pandak, "Mrs.Han, may I?" nakangiting tanong niya kay Kukie at agad akong na-curious sa sagot niya.
"Sige na, Kukie. Para makapag-swimming na tayo." Pagpipilit ni Joy.
Napatingin ako kay Pandak at nakita kong nakatingin siya kay Marco na naghihintay parin ng sagot niya hanggang sa ngumiti siya at kinuha yung tube sa kamay ni Marco.
"Thank you, Marco ah. Pero ako nalang maglalagay."
Bakit kapag si Marco ang nakikipag-usap sa kanya, iba yung tono ng mga salita niya at yung ngiti niya, sobrang genuine.
Pasimple akong bumuntong hininga at tumingin sa mga palad ko na nakapatong sa lap ko at nakita ko sa pagitan ng eyelashes ko na tumalikod si Pandak samin saka inalis yung towel na nakabalot sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa kanya at ewan ko rin ba kung bakit bigla akong nasamid. Sa sobrang kati sa lalamunan ay umubo ako ng umubo na akala mo wala nang bukas na halos namumula na ako sa sobrang ubo at narinig kong tumawa sila Marco at Joy.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
