Epilogue
"Kukieeee!!!!!!" agad akong napangiti nang pumasok si Joy sa kwarto kasama si Marco.
Hayy~ mabuti nalang dumating si Joy. Batong bato na kasi ako dito sa ospital eh. Hindi naman ako makalabas ng kwarto ko –ni hindi nga ako makatayo dito sa kama ko eh. Kasi.... mahirap i-explain eh. Masakit pa sa puso eh. Hindi ko pa kayang tanggapin. Isang linggo palang ang nakakalipas mula nung magising ako.
"I missed youuu!!!" sigaw ulit niya sabay yakap ng maingat pero mahigpit. Pagka-kalas ni Joy, si Marco naman ang yumakap sakin saka sila umupo sa tabi ng kama ko.
"Grabe, Joy. Kahapon lang nandito ka ah." sabi ko sabay tawa. Oo, araw araw nga nandito si Joy eh. Pero si Marco, dalawang beses ko palang ulit siya nakikita simula nung magising ako.
"Eh kasi, namiss talaga kita eh. Fifteen months ka kayang tulog." Napangiti nalang ako.
Totoo. Yun ang sabi nila. Hayy~ ayokong magkwento kasi sobrang sakit talaga. Pero dahil curious kayo, at mahal ko kayo. Sige na nga. Haha!
Sabi nila, mahigit isang taon daw akong na-comatose. Napuruhan daw yung likod ko kaya forever na akong...... tsaka akala nga daw nila na mabubulag ako eh. Kaya pala yung unang tanong nila, "Nakikita mo ba ako?"
Sa totoo lang, hindi ko na-feel na isang taong akong tulog. Haha. Kasi parang natutulog lang ako eh. Ang ganda nga ng panaginip ko eh. Ganun siguro talaga kapag naco-coma no? Maganda yung panaginip kaya hindi nagigising sa reality. Pero noong paggising ko, para akong taga bundok. Ang dami kong hindi alam. Hahaha.
Ang pinakamasakit sa mga nalaman ko....
Yung pagkawala ng baby ko. Ang sama sama talaga ng loob ko. Yung feeling na, sana hindi nalang ako nagising kung yun lang ang maririnig kong balita sa paggising ko. Isang linggo palang ang nakakalipas, kaya hindi pa ako nakaka-move on. Pero sa tingin ko, never na akong makaka move on doon. Sobrang hirap talagang tanggapin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Marco.
"Hindi okay." walang malay kong bulong sa sarili ko. Napansin kong medyo nataranta sila Joy at Marco kaya nagulat ako kasi parang kusa lang yung bibig ko na nagsalita.
"Gusto mo tumawag kami ng doctor?"
"May masakit ba sayo, Kukie?"
Nag-aalalang tanong nung dalawa.
"Ah, o-okay lang ako. Pramis." paniniguro ko sa kanila. "Na-naalala ko lang yung... baby ko." malungkot at mahina kong dugtong nang hindi nakatingin sa kanila.
Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa mabasag ito nang bumukas ang pinto.
"Paaaaaayyy!!!!!!!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si April.
"Baklaaaa!" bati ko rin sa kanya saka siya lumapit sakin at nagyakapan kami.
Gosh! Na-miss ko ang bestfriend kong 'to. Kailangan ko nga siya ulit huling nakita? Ay wait. Oo nga pala. Isang taon akong tulog. Hahaha!
"Pay~ namiss kita. Sobra." Sabi niya na parang naiiyak pa.
"Ako din." Sagot ko na parehong tono ng sa kanya saka siya napatingin sa dalawa.
"Uhm, hindi ko matandaan kung napakilala ko na kayo. Uulitin ko nalang." Sabi ko na natatawa pa. "Siya nga pala si April. Bestfriend ko." pakilala ko kay April. "Pril, kila-" hindi pa ako tapos magsalita nang biglang nag-react si Joy na parang nagulat kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
