ღ Chapter 27 ღ

33 2 0
                                        

Chapter 27


-Kukie's POV-


"Gusto mo sumama?" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong yakapin ni Gino mula sa likod habang naghuhugas ako ng plato.

"Saan?" tanong ko nalang at hindi pinahalata yung electricity na binibigay nya sa yakap niya.

"Sa photoshoot ko. Nandun din si Joy at Marco."

"Hmm... sige." Sagot ko habang tumatango.

"Okay, we'll leave in ten."

"10AM?" paniniguro ko saka tumingin sa wrist watch ko, 8:53. Ah, may two hours pa ako.

"No. In ten minutes." Pagko-correct niya.

"Minutes?!" Ano?! Ten minutes?! Agad agad? Narinig ko siyang tumawa ng mahina at nagsabi ng 'Yeah' habang tumatawa parin saka kumiss sa pisngi ko bago bumalik sa kwarto niya.

Pagpasok na pagpasok niya ng kwarto niya, minadali ko yung paghuhugas ko at dali-daling bumalik sa kwarto ko para mag-ready at maligo. Kaloka! Hindi naman agad nagsasabi ng mas maaga eh. Tsk. Baliw talaga tong lalaking to.




Sa photoshoot...

"Oh my God! Talaga?" gulat na gulat na sabi ni Joy na halatang interesadong interesado sa sinabi ko.

"Oo. Tawa talaga ako ng tawa. Para siyang batang paslit na takot na takot. Ahahaha!" kwento ko at sinabayan naman ako ni Joy sa pagtawa na halos may lumabas nang mga luha sa mga mata niya.

Napansin kasi kanina ni Joy yung sweetness daw ni Gino sakin kaya dali-dali akong hinila sa sulok. Hindi ko alam kung alam na niya yung tungkol sa fake marriage namin ni Gino. Wala naman kasi siyang sinasabi. Or baka di pa niya alam kasi parang... ah ewan ko. Bahala na nga. Hindi ko nalang io-open sa kanya.

May pinagtataka naman ako. Pagdating kasi namin ni Gino dito, nasalubong namin agad ni Marco. Pero parang may kakaiba sa kanya. Parang ang tamlay niya. Diba, si Marco kapag nakikita ako or si Gino, sobrang hyper? Ngayon iba. Nakipag kamay lang siya kay Gino, yung bestfriend-shake-hands nilang dalawa, tapos nag-Hi lang sakin saka umalis na agad. Okay lang kaya yun?

"Tapos, ano pang nangyari sa Date nyo? Gusto ko yung mga touchy-touchy moments nyo."

"Anong touchy-touchy moments?" tanong ko pero para bang may kaba sa dibdib ko doon sa touchy-touchy na sinasabi ni Joy. Kaloka naman to si Joy. Mas kinikilig pa yata kesa sakin.

"Yung mga HHWWMPSSP, yung ya-"

"Ano?" mabilis kong tanong "Anong HH.. WW.. P.. P.. Ano?" dugtong ko at natawa naman siya ng malakas.

"Holding hands while walking, may pa-sway sway pa." tinitigan ko muna si Joy ng ilang saglit at pilit na pina-process sa utak ko yung sinabi niya hanggang sa matawa ako ng sobrang lakas na akala mo wala nang bukas. Halos magtinginan nga sakin yung mga tao sa loob eh.

"Bakiiit?" inosenteng tanong ni Joy sabay mahina pa akong pinalo sa braso ko na medyo natatawa pa. magsasalita na sana ako nang biglang lumapit si Gino at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Malamang, ano pa nga ba? Edi nag-blush nanaman ako.

"Yiiee! Ang cute nyo talaga." Kinikilig na komento ni Joy kaya lalong naginit yung mukha ko.

"Looks like you're both having fun. Do you mind sharing it to me?" nakangiting sabi ni Gino habang hinihimas-himas yung upper arm ko.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon