Chapter 19
-Gino's POV-
Isang buwan na ang nakakalipas simula noong umalis si Pandak, at hanggang ngayon, hindi parin siya bumablik. May balak pa bang bumalik iyon? Pasaway talaga yung babaeng iyon?
Saan kaya nagpunta iyon? Tinawagan ko si Marco, pero hindi pa daw sila nagkikita o nagkakausap ni Pandak mula noong maghiwalay kami sa Palawan.
Haish! Bwisit talaga!
Ayoko namang tanungin si Eomma, baka hindi niya alam na umalis si Pandak at mapagalitan pa ako. Baka mag-report pa yun ng Missing Person sa pulis. Hayy~
Hindi kaya, umuwi nanaman siya sa province nila? Pasaway talaga! Sumasakit ang ulo ko sa kanya.
...
...
...
Pupuntahan ko siya.
Hah! Masyado yata siyang nawiwili umuwi sa province.
Hindi pwede ito. Hindi ako papayag na binabalewala niya ako. I'm her husband, dapat pinagsisilbihan niya ako. Tsk! Humanda talaga sakin ang babaeng iyon.
Habang nagre-ready akong umalis, biglang dumating si Marco sa unit ko.
"What's up?" bored kong tanong.
"I missed you, Bro!" masayang bati niya sakin sabay yakap pero pinigilan ko agad siya,
"Shut up! You look like a gay, Dude." Sabi ko at tumawa lang siya saka umupo sa sofa habang nililibot yung tingin sa paligid.
"Nasan si Mrs.Han?" tanong niya sabay tingin sakin.
"Uhm, probably in her province." Alangan kong sagot habang umupo naman sa katapat na sofa.
"Oh?" gulat niyang sabi. "Kelan pa?"
"A month ago?" Casual kong sagot, shrugging.
"A month ago? You mean, hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon?" gulat niyang ulit at napatingin naman ako sa kanya na naka-kunot ang noo. Paulit-ulit naman ito. Nabingi na yata. Napansin kong ini-scan niya ang buo kong katawan sabay smirk.
"Stop it. Seriously, Bro, you look like a gay." Natatawa kong sabi sa kanya at tumawa lang din siya habang umi-iling iling.
"Kaya pala ganyan itsura mo, isang buwan na palang wala dito si Mrs.Han." nangingiti niyang sabi.
"Bakit? Ano ba itsura ko?" inis kong tanong.
"You look so stressed, you know. Para kang isang taong hindi lumabas sa lungga mo. Alam mo yung mga ermitanyo?" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.
Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito? Bagay talaga sila ni Pandak, pareho silang baliw.
.
.
.
"Are you coming or not?" inis kong tanong sa kanya matapos kong sabihin sa kanya na pupuntahan ko si Pandak sa province at matapos niya akong tawanan na akala mo iyon na ang huling tawang gagawin niya. Hay, hindi ko talaga alam kung paano ko naging kaibigan ang baliw na kagaya ni Marco.
"Nah. Baka makaistorbo lang ako sa reunion niyo. Yiieee~ Go girl!" pang-aasar niya,
"Oh please! Shut up, Gayman!" sermon ko pero tinawanan lang ako ng baliw.
"Kapag inagaw ko ba sayo si Mrs.Han, tatawagin mo parin akong gay?" tanong niya habang hinihingal pa sa katatapos na wagas na pagtawa.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o seryoso sa tanong niya eh. Kailangan ko bang sagutin iyon? O pinagtitripan niya lang ako? Tumatawa man siya, yung tono naman niya, seryoso. Kaya tinitigan ko lang siya hanggang sa tumawa nanaman siya.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
