Chapter 34
-Kukie's POV-
Namumugto ang mga mata niya, at alam kong ganun din ako. Pero walang bahid ng mga luha ang mukha niya. Ilang oras nang ganito si Toni mula noong maicrimate ang labi ni Mamsie. Awang awa na ako sa itsura ni Toni. Halata sa kanya ang pagod, at kawalan ng tulog. Pati na rin yung sakit na nararamdaman niya. Simula noong makarating kami dito sa punerarya, hindi siya umalis at gumalaw sa kinauupuan niya sa harap ng abo ni Mamsie habang hawak ang litrato nito.
"Gusto mo ba ng maiinom, Toni?" mahinahon kong tanong sa kanya pero umiling lang siya. Hinagod ko ang likod niya at nakita ko yung paggalaw ng mukha niya na parang naiiyak pero pilit niya itong pinipigilan. "Alam mo, masamang kimkimin yan. Dapat nilalabas mo yan."
"I don't know what you're talking about. And what's kimkimin?" mahina at monotonous niyang sagot nang hindi tumitingin sakin. Hindi ko tuloy alam kung di ba niya talaga naintindihan yung sinasabi ko, o nagmamaang-maangan lang siya eh. Hay nako, mukhang mapapa-english tuloy ako.
"What I mean is..." alangan kong sabi at inisip kung ano ang sunod kong sasabihin. Hindi kasi talaga ako magaling mag-english. "Uhm... you... should... uhm... you know. Ilabas mo dapat yan. You should... let out your... uhm..."
"I can't cry." Sabi niya bigla at napatigil ako sa pagsasalita. Parang gusto ko tuloy pahirin yung ilong ko baka nagdudugo na. Haha! Okay, serious na ulit. Sorry. "I won't cry."
"Bakit?" tanong ko pero hindi siya sumagot at tumingin lang sa kuya niyang busy makipag-usap sa mga nakikiramay. Parang alam ko na kung bakit. "Alam mo. Okay lang naman na umiyak sa harap ng kuya mo eh. Hindi naman siguro siya magagalit kasi alam naman niya yung dahilan, diba?"
"You don't understand." Sabi niya na medyo mataas ang boses pero tama lang para saming dalawa. "Uri oppa ga..." sabi niya at agad na napatingin sakin na parang nagulat. Na-carried away siguro siya. hehe. "Si- si Kuya... he told me before he doesn't want to see me crying." Kwento niya.
"I don't know exactly why. He doesn't want to tell me. Pero since he met you, or maybe when eomma got sick, I think, I know why." Tiningnan niya muna yung picture ni Mamsie na hawak niya saka siya nagpatuloy sa pagkukwento.
"Kuya is a brave and tough man. But he has a soft and big heart. He cries easily when he see someone he love is crying. But since he's a guy. He doesn't want to show it to anyone. You know what they say; men don't cry. Kaya he gets angry when he see me crying kasi naiiyak din siya." kwento niya nang may maliit na ngiti sa labi niya. Yung malungkot na ngiti. Tapos tumingin siya sakin, "But that's only my hula ha." Sabi niya at nginitian ko siya.
Ilang minuto rin kaming tahimik hanggang sa basagin ni Toni iyon. "Eonni, thank you." Napatingin ako sa kanya. "Thank you for being here with me. Especially now. And thank you for not judging me."
"Judging? Bakit ko naman gagawin yon?"
"Because I'm not crying for what happened to mom." Sagot niya. "Diba, usually people should cry –like what you said earlier. Then pag hindi umiyak, people would think I don't care and it's okay my mom died."
"Alam mo, yung mga taong ganun mag-isip, sila yung mga walang kwenta. Nandito lang sila para makasagap ng chismis. Sila yung mga taong walang alam. Ikaw, naiintindihan kita. Alam ko naman ang rason kung bakit hindi ka umiiyak eh. Matapang ka kasi. Magkapatid nga kayo ni Gino. Diba sabi mo kanina, matapang ang kuya mo? Ganun ka rin. At alam mo kung kanino kayo nag-mana?" tinitigan niya ako at hinintay na ituloy yung sinasabi ko pero binaling ko muna yung tingin ko sa labi ni Mamsie sa harap namin, "Sa mama niyo." Tumingin din siya doon.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
