Chapter 2
Nako! Mukhang hindi na niya ako natatandaan. Ano na ang gagawin ko? Ie-end call ko na sana pero bigla siyang nagsalita.
[AHH! Naalala ko na! Kamusta, Iha?] masayang sabi niya.
"Uhm.. Ma-madam?" alangan kong sabi. "Ka-kasi po..."
Nararamdaman ko na yung pag-init nang pisngi at mata ko. Medyo sumisikip na rin yung dibdib ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi.
[Iha? Are you alright?] halata sa boses niya yung pag-aalala.
"Kasi po Madam..." nagsisimula nang manginig nung boses ko dahil sa pag-pigil kong umiyak. Napapahilot na rin ako sa noo ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko hihimatayin ako.
"Madam? Pasensya na ho sa pang-iistorbo ko," panimula ko.
[No. it's alright, Dear.] sabi niya.
"Uhm... P-pwede-" utal kong sabi saka huminga muna ulit ng malalim, "P-pwede ho ba akong... Hu-humiram ng pera sa inyo?" maraming emosyon ang naramdaman ko noong sinasabi ko iyon kaya hindi ko na napigilang tumulo yung luha ko.
[Oh... ofcourse, Dear. How much?] tanong niya.
Ito nanaman yung mala halo-halo supreme kong emosyon. Mauuna pa yata ako sa lola ko.
"Me-medyo malaki po, Madam eh." Sagot ko.
Para akong pinagpapawisan ng malamig na malamig. As in yung buo kong katawan.
[Uhmm... how much exactly?] tanong niya ulit.
Argh! Ano ba?! Mababaliw na ako!
"Uhm.. Madam, hi-hindi ko pa po alam eh." Sagot ko. "Ka-kasi po, Madam... yu-yung lola ko po... kailangan pong operahan." Alangan kong kwento sa kanya.
[Oh my God! Okay, Iha. Puntahan mo ako dito sa office ko. I'll text you the address.] mabilis niyang sabi.
"Eh pe-pero Madam. Nandito po ako ngayon sa probinsya." Sabi ko.
Hayy! Ano ba yan?! Okay na sana eh. Dapat pala lumuwas muna ako saka ko siya tinawagan. Tsk!
Pero noong sinabi niyang 'Okay', para akong nabunutan ng tinik.
[i-text mo sakin yung bank account number mo. Ide-deposit ko nalang.]
"Eh Madam, wala po akong bank account."
Panandalian siyang natahimik bago siya ulit magsalita.
[I'll call you back.] sabi niya at sabay bigla nalang nag busy yung linya –binaba na niya.
A-anong nangyari?
Ano na ang gagawin ko?
Pinuntahan ko si Auntie at napansin kong kausap niya yung Doctor ni Lola.
"Kailangan mailipat na natin siya ka-agad sa Manila. Hindi tayo pwede mag-aksaya ng oras. Mamayang gabi, iluluwas na namin siya. Okay?" sabi nung Doctor na lalaki kay Auntie Cecile saka siya umalis.
"Kukie? Saan tayo kukuha ng pang bayad? Meron ka bang kaibigan na mauutangan?" tanong sakin ni Auntie
"Sige po Auntie. Gagawa po ako ng paraan. Wag na po kayo mag-alala." Yun nalang ang nasabi ko kahit hindi ko pa sigurado na pahihiramin ako ni Madam.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
