ღ Chapter 5 ღ

53 3 0
                                        

[A/N] pasensya na po sa mga typos. hindi ko pa po ito nae-edit eh. Hehe. *^^ enjoy~

  

Chapter 5

  

-Kukie’s POV-

  

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Mamsie para ma-uto niya ako. Oh my gahd! Para akong mapapraning! Hindi ako mapakali. Hihimatayin yata ako. Anong gagawin ko?!

Sa obrang takot ko, hindi na ako makabitaw dito sa upuan ko. Ngayon lang nangyari sakin ito at ayoko nang maulit. Tulungan niyo ako! Please!!!

“Ayoko na! Ayoko na! Malayo pa ba tayo? Gusto ko nang bumaba!”

“OH PLEASE, Shut up! Hindi ka ba nahihiya?” inis na sigaw ni Gino na nasa tabi ko lang at kanina pa naiirita sa ingay ko.

  

  

Nagtataka kayo kung nasan ako ngayon, ano?

Nandito ako sa eroplano kasama si Gino.

Saan kami papunta?

Sa probinsya namin.

Bakit?

Para makilala ni Gino ang pamilya ko.

  

Nagulat kayo ano? Masyado bang mabilis? Haha. Kahit ako nagulat din sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Ang totoo niyan, hindi ko alam kung anong pang-uuto ang ginawa ni Mamsie kay Gino para mapapayag siya na magpakasal sakin. Hindi talaga ako makapaniwala.

Sobra talaga akong nagulat noong sabihin ni Mamsie kung kalian ang kasal namin. Para akong kinulong sa hawla noong mga oras na iyon. Pakiramdam ko, mamamatay na ako ano mang oras.

Ilang beses ko ring tinanong si Gino kung anong sinabi sa kanya ni Mamsie para mapa-payag siya pero hindi niya ako sinasagot. Hmp! Ang sungit sungit talaga ng taong ito.

Hayy~ nagsisisi talaga ako at pumayag ako sa gusto ni Mamsie. Akala ko kasi hindi siya mauuto ni Mamsie. Tsk!

  

*gasp* hindi kaya… may gusto sakin si Gino?

OMG! Totoo ba ito? Parang imposible namang magkagusto sakin yung mayabang at masungit na higanteng iyon.

  

  

-Gino’s POV-

  

Nakakainis! Naisahan nanaman ako ni Eomma. Dinaan nanaman niya ako sa sakit niya. Kaasar! Tsk!

Haish! Bakit ba lagi nalang akong nagpapadala sa pangba-blackmail sakin ni eomma?

  

Ano ba ang gagawin ko? mababaliw yata ako. instead na mabawasan yung mga sakit ko sa ulo, lalo pang nadagdagan. Argh!

Isa pa, ano bang iniisip nitong babaeng ito at pumayag din siya sa gusto ni eomma? Nababaliw na siya.

*gasp* hindi kaya… may binabalak na masama itong si Pandak? Hindi kaya… gagamitin niya lang kami para umangat sa buhay?

Hindi ito pwede! Hindi ako papayag!

Tumingin ako ng masama kay Pandak na nasa tabi ko lang at napansin kong tulala lang siya at namumutla ang mukha niya.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon