ღ Chapter 8 ღ

60 4 0
                                    

Chapter 8

 

-Kukie's POV-

"Hi. Mrs. Han. Musta?" masayang bati sakin nung lalaki at lalo akong napakunot ng noo.

Hala! Ano daw? Mrs. Han? Alam niya?!

"Uhm..." nag-aalangan kong sabi at bigla siyang ngumiti ng malaki.

"You don't remember me?" hindi makapaniwala niyang tanong sabay acting na parang nasasaktan yung feelings niya.

Sino ba kasi ito? Tsk! Ang arte naman nitong lalaking ito. Pero infairness ang cute niya ah.

"Hindi mo na ba talaga ako natatandaan, Mrs. Han?" malungkot niya ulit na tanong pero tinitigan ko lang siya ng nakakunot yung noo ko.

Teka. Pamilyar nga siya. Saan ko nga siya nakita?

"Uhm... nakalimutan ko na eh. Sorry. Pero pamilyar ka nga." Sagot ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at ngumiti nanaman ng malaki.

"Natatandaan mo na, Mrs. Han?" Masaya niyang tanong.

"Nakalimutan ko nga. Ang kulit mo. Tsaka wag mo nga akong tawaging 'Mrs. Han'. Nakakailang eh." Inis kong sagot sa kanya at nginitian lang ako ng loko. Hmp!

"Marco!"

Sabay kaming napatingin doon sa kung sino man ang tumawag sa kanya at nakita kong si Gino pala iyon.

Dahil din doon sa pagtawag ni Gino ng pangalan niya, naalala ko na kung sino ang makulit na lalaking ito.

Ou nga pala. Siya nga pala si Marco Yuan. Yung best man ni Gino.

"Wazzup, Bro?" sabi niya kay Gino sabay nag hawak kamay sila.

Alam niyo yung ginagawa ng mga lalaki kapag nagkita sila? Yung maghahawak kamay sila tapos pagdidikit nila yung mga dibdib nila. Ganoon yung ginawa nila.

"Kasama mo pala yung asawa-" sabi ni Marco pero tinakpan bigla ni Gino yung bibig niya para pigilan magsalita.

"Shhh. Wag ka ngang maingay." Madiin na bulong ni Gino sa kaibigan niya.

"EH!? Bakit?" nagtatakang tanong naman ni Marco.

"I'll tell you later." Mahinang sabi ni Gino saka tumingin sakin. pati si Marco ay tumingin din sakin.

"Bakit ba nandito ka pa? Umuwi ka na nga." Mahina pero madiin na utos sakin ni Gino at napansin kong napatingin si Marco sa kanya na naka-kunot yung noo.

"Ito na nga eh. Uuwi na nga eh. Oh!" inis kong sagot sa kanya.

Aalis na naman sana ako ng biglang pigilan ako ni Marco.

"Wait!"

"Bakit?" sabay naming tanong ni Gino pero sakin lang nakafocus si Marco.

"It's my party. So since you're here naman na. Can you join us?"nakangiting alok sakin ni Marco.

Ayoko sana kasi magagalit nanaman yung kapre na nasa likod niya.

Kaso hindi ako makatanggi sa kanya.

Ang bait niya kasi. Pala ngiti at sweet. Hindi tulad nung kaibigan niya. Hmp!

"Please? Pretty please." Pagmamaka-awa niya habang magkadikit pa ang mga palad niya na parang nagdadasal. Tapos yung mata niya parang mata ng cute na pusa.

Sino ba naman ang hindi makakatanggi doon? Hayy~

Papayag na sana ako kaso inunahan akong ng impaktong Kapre na iyon.

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon