ღ Chapter 14 ღ

42 1 0
                                        

Chapter 14

 

-Kukie's POV-

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung ano ba ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong giniginaw, hindi naman malamig. Alam niyo yun? Yung kapag malamig ang panahon tapos naligo ka ng umaga, yung unang buhos para kang maninigas at parang ayaw mo na ulit magbasa ng tubig? Ganoon yung nararamdaman ko ngayon simula noong pumasok si Gino dito sa kwarto ni Marco.

Seryoso lang siyang nakatitig sakin habang ako naman ay nagdadalawang isip kung lalapit ba ako sa kanya o hindi. Medyo nararamdaman ko ring umiinit ng kaunti yung mukha ko, parang gusto kong umiyak.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ni Marco nang hindi inaalis yung tingin kay Gino. Nakita ko siyang dinilaan niya yung labi niya saka alangang humakbang ng isang beses. Dahil doon, biglang tumindi yung init ng mukha ko hanggang umabot sa mga mata ko, at para ring nagtaasan yung balahibo ko sa batok at mga baby bangs ko.

"R'y-you.. 'you alright?" utal, mahina at mahinahon niyang tanong pero hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba yung totoo o hindi. Natatakot ako sa magiging reaction niya.

"Uhm, mabuti pa, Gino, dalhin mo na si Kukie sa room niyo para makapag-pahinga siya ng maayos." Doon ko lang ulit naalala na kasama pa nga pala namin si Marco nang magsalita siya mula sa likod ni Gino.

Hindi sumagot si Gino at nanatili lang walang imik hanggang sa hilahin niya ako sa palapulsuhan ko palabas ng kwarto ni Marco.

Hindi mahigpit ang hawak ni Gino sa wrist ko hindi tulad ng lagi niyang ginagawa sakin, tama lang para mahawakan at mahila niya ako habang ako naman ay nakatitig lang sa likod ng ulo niya hanggang sa tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako at nagtaka.

Marahan siyang humarap sakin saka niya ako tiningnan ng deretso sa mga mata ko. Hindi ko masyadong makita dahil malabo yung paningin ko –at hindi ko alam kung bakit pero sa nakikita ko, seryoso yung expression niya na parang meron siyang hinahanap sa mga mata ko hanggang sa bigla itong naningkit at kumunot yung noo niya. Napatingin ako sa mga paa namin at doon ko lang narealized na umiiyak na pala ako nang tumulo yung luha ko sa paa ko at agad ko iyong pinunasan at saka ko tinago yung mukha ko sa mga palad ko at saka napahikbi.

Ilang saglit lang ay bigla akong nakaramdam ng mainit sa likod ko at likod ng kamay ko at saka ko lang narealized na nakayakap si Gino sakin. Pakiramdam ko kinumutan ako ng napaka-komportableng kumot. Feeling ko para akong sanggol na nasa yakap ng isang ina. Yung takot ko kanina, biglang nawala at napalitan iyon ng safetyness.

Pero bakit ganun?

Bakit ayaw parin tumigil ng mga luha ko sa pag-agos?

Bakit yung puso ang bilis parin ng tibok?

Bakit feeling ko, ayaw kong umalis sa yakap ni Gino?

Hala! Na-trauma na ba ako dahil sa ginawa ng mga pangit na iyon?

-

-

-

Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin yung init ng katawan ni Gino noong niyakap niya ako kanina. Hindi ko talaga malaman kung ano ba ang pakiramdam na ito. Para akong nadi-disappoint na naiinis na kiniki- ah! Hindi, hindi! Hay! Nakakainis naman oh!

Napatingin ako sa pinto ng CR mula dito sa sofa nang bigla itong bumukas at lumabas si Gino na nagpupunas pa ng basa niyang buhok saka siya napatingin sa direksiyon ko, at agad akong napaiwas ng tingin.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon