ღ Chapter 22 ღ

27 2 0
                                        

Chapter 22

 

-Gino's POV-


"Peke ang kasal niyo."

..

...

Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na malamig na tubig. Ano bang sinasabi ni Eomma? Nagbibiro ba siya? Kung nagbibiro siya, hindi ako natatawa. Hindi ito magandang biro.

Napayukom ako ng kamao ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Eomma. Sigurado akong pareho kami ng nararamdaman ni Pandak ngayon. Pero nasisiguro ko ring mas matindi ang nararamdaman kong galit ngayon.

Naisip ko bigla si Nicole. Si Nicole na ginagawa ang lahat para bumalik ako sa kanya, si Nicole na lubos na nasasaktan higit kanino pa man. Tapos ganito lang pala? Peke ang kasal na pinaghihirapan ni Nicole na makuha?

Nicole, I'm sorry. Wag ka nang mag-alala. Pinapangako ko sayo ngayon, hindi ka na masasaktan. Aayusin natin 'to.


Tumayo ako nang hindi tumitingin sa kanila. Galit ako... sobra.

"Gino, anak... I'm really sorry." Nanginginig yung boses ni Eomma pero tiningnan ko lang siya.

"I'm disappointed to you, Ma." Sabi ko at siniguro kong mararamdaman nila ang pait at sakit na nararamdaman ko.

Ayokong gawin 'to kay Eomma, ngayon pa na nakikipaglaban sya para sa buhay niya. Pero alam ko namang maiintindihan niya ako eh. Sobrang sakit ng ginawa niya.


Tumingin ako kay Pandak. Nakayuko lang siya at pansin kong nanginginig ang kamay niya, namumula rin ang mukha niya. Alam kong sobra ring nasasaktan si Pandak. Pero diba, wala naman akong pakelam sa kanya? Wala naman talaga diba? Pero bakit hindi ko mapigilang maawa sa kanya.

Tumalikod na ako at hindi na tiningnan si Eomma. Mas lalo lang kasi akong nasasaktan. Paalis na sana ako para makapagpalamig muna nang biglang may humawak sa braso ko. napatingin ako at nakita ko si Pandak na nakatayo na. Tiningnan ko siya at kitang kita sa mata niya ang... takot? Ganito ang itsura niya noong nasa Palawan kami. Noong gabing sinundo ko sya sa kwarto ni Marco. Bakit Pandak? Bakit ka natatakot?

"S-san ka... pupunta?" sumikip bigla yung dibdib ko sa tono ni Pandak. Bakit ka ba ganyan Pandak? Ano bang nangyayari sayo?

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Parang hindi ko kayang makita si Pandak na ganyan. Hindi ako makahinga. Lumunok ako saka sumagot sa kanya. "K-kay Nicole."



-Kukie's POV-


"I'm disappointed to you, Ma." Mapait na sabi ni Gino at ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Alam kong si Gino ang sobrang nasasaktan ngayon. Alam naman nating lahat na ayaw na ayaw ni Gino sakin eh. At tutol talaga siya sa kasal na 'to, kaya naiintindihan ko siya.

Pero bakit ang sakit sakit? Bakit ako nasaktan sa tono ni Gino? Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Baka makita ni Gino.

Hah, nakakatawa. Si Gino parin ang iniisip ko. Yung damdamin parin ni Gino ang inaalala ko kahit na pareho kaming nasasaktan. Sana... maramdaman din ni Gino ang nararamdaman ko. Sana... maintindihan din ni Gino ang kalagayan ko.


Nakita ko sa gilid ng mata ko na paalis na si Gino at hindi ko alam kung bakit, pero parang automatic na gumalaw yung katawan ko at pinigilan siya.

Finding LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon