Chapter 20
-Kukie's POV-
Oh hindi! Ito nanaman po tayo. Ayoko talaga sa eroplano. Kaso ayaw namang magbarko nitong Higanteng to. Tsk! Kung may pamasahe lang ako, magbabarko ako mag-isa. Kaso iniwan ko halos lahat ng sinweldo ko sa restaurant kay Auntie.
Kaya ngayon, nandito nanaman ako sa eroplano at nanginginig sa takot. Ni hindi ko nga madilat yung mata ko eh. Nakakainis!
"Hoy, halika nga rito. Para kang batang first time sumakay ng eroplano." Rinig kong sabi ni Gino na nasa tabi ko at agad akong napadilat sabay hila sakin saka ako inakbayan at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya.
Magpoprotesta sana ako dahil sa gulat pero dahil sa takot kong gumalaw, hindi ko na nagawang kumawala sa yakap niya, "Hindi na talaga ako sasakay ng eroplano, pramis." Nanginginig kong sabi sa kanya.
"Sinabi mo na yan dati." Bulong niya pero hindi ko na siya sinagot at pumikit nalang ako at pinilit kong matulog.
-
-
-
Habang nagre-ready na ako para matulog, biglang bumukas yung pinto ko at inis kong nilingon yung bastos na nagbukas ng pintuan ng hindi kumakatok.
"Ano?!" sigaw ko pero hindi niya pinansin yunng pagsigaw ko at nanatali lang na nakatingin doon sa boteng hawak niya.
"Pandak, ano ba 'to?" casual niyang tanong habang nakatingin parin doon sa bote kaya pati ako ay nacurious doon sa hawak niya kaya nilapitan ko siya at kinuha yung bote sa kanya.
Lambanog?
"Saan galing 'to?" tanong ko sa kanya at ako naman ang hindi naalis yung tingin sa bote.
"Binigay ni Auntie Cecile yan kanina." Sagot niya saka lumipat sa gilid ko para makita nang mabuti yung label ng bote at naramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko na para akong nakuryente, pero hindi ko nalang pinahalata na affected ako sa hawak niya.
"Alak 'to. Ayan oh, nakalagay, Coconut Wine." Sabi ko sabay tingin sa kanya na parang sinasabi kong 'tanga lang?' at bagot din siyang tumingin sakin.
Ilang saglit kaming nagtitigan saka ako umiwas at lumabas ng kwarto ko, dala ang bote, "Masarap 'to. Tara shot tayo. Konti lang." sabi ko sabay lingon sa kanya saka ngumiti at sumunod naman siya sakin sa sala.
.
.
.
Matapos kong kumuha ng shot glass at pang-pulutan namin sa kusina, agad kong sinimulang tagayan siya.
Nang ibigay ko sa kanya yunng baso, hindi niya muna kinuha iyon at tumingin muna sakin na akala mo binibigyan ko siya ng lason at pinapainom sa kanya. Hmp! Ang arte naman talaga ng taong ito.
"Nakakangalay ah." sabi ko sa kanya habang bagot ko siyang tinititigan.
"Ikaw muna." Matipid niyang sabi sabay tulak ng baso pabalik sakin.
"Wala namang lason ito. Ang arte naman nito." Inis kong sabi pero ininom ko nalang yung Lambanog at agad kong naramdaman yung init at tapang ng inumin sa lalamuna ko saka ko nilagyan ulit yung baso at binigay ulit sa kanya.
"Wag ka nang mag-inarte diyan. Isusumbong kita kay Auntie, sasabihin ko-" sabi ko pero naputol iyon nang bigla niyang kunin yung baso sa kamay ko nang nakatingin ng masama sakin at napangisi naman ako.
.
.
.
Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita sa loob ng 10 rounds namin. Medyo nag-iinit na rin yung katawan ko at nararamdaman ko na yung epekto ng alcohol. Pagtapos nang pang 11 rounds ay biglang nagsalita si Gino.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...