Chapter 11
-Gino's POV-
"Okay! Five-minute break muna." Sigaw nung photographer. Nilibot ko kaagad yung tingin ko sa paligid pero hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita si Pandak. Nasan kaya nagpunta yung babaeng iyon? At sino kaya ang kasama niya? Hindi naman si Marco or si Joy kasi kanina pa sila nagkukwentuhan doon sa gilid ng pool..
"Hey. Nakita niyo si Pandak?" Tanong ko doon sa dalawang baliw. Lumingon silang dalawa sakin saka natawa.
"Ang funny talaga ng tawag mo kay Kukie." Natatawang sabi ni Joy.
"Ano ka ba, Joy. Ganyan lang mag-lambing iyang si Gino." Sabi naman ni Marco kaya tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan lang ulit niya ako. Hindi na talaga makakausap ng matino ang dalawang ito. Tsk!
Naisipan kong pumasok sa hotel at i-check siya sa kwarto naming. Baka sakaling tinakasan niya lang ako at natulog sa kwarto. Pero habang naglalakad ako papuntang elevator ay may narinig akong dalawang babae na nagkukwentuhan.
"Grabe yung ginawa ni Nicole doon sa babaeng nasa CR kanina, ano?"
"Oo nga eh. Ang sakit siguro niyon. Magkabilaang sampal ba naman eh." Sinampal? Sinong sinampal ni Nicole?
"Hmp! Tama lang naman sa kanya iyon. Biro mo, ang lakas ng loob niyang agawin si Gino kay Nicole. Ang kapal ng mukha." Si Pandak?
"Oo nga. Siguro inakit niya si Gino kaya na-uto niyang magpakasal sa kanya."
"Baka ginayuma niya s Gino."
"Tama. Para perahan si Gino. Tapos nawalan na ng bisa yung gayuma niya pero wala nang magawa si Gino kasi kasal na sila kaya itinatanggi siya ni Gino."
"Gold-digger."
"Social climber."
"B*tch!"
"I hate her!"
Biglang kumulo yung dugo ko at lalong nag-init yung ulo ko sa mga narinig ko. Pinigilan ko nalang na komprontahin yung dalawa dahil baka kung ano lang ang masabi at magawa ko sa kanila.
Sino ba sila para sabihan ng ganun si Pandak? HAH! Kakaiba ang mga babae dito. Ibang klase mag-isip. Hindi naman nila kilala yung tao pero kung makapagsalita sila akala mo kilala nila. Ni hindi nga nila alam ang pangalan ni Pandak eh. Ako lang ang pwedeng magsalita ng hindi maganda kay Pandak. Ako lang. wala nang iba pa. Humanda sila sakin mamaya. Lahat sila. Lahat ng taong nang-aapi sa asawa ko.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto namin nagbabaka-sakaling nandoon si Pandak. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko naman siyang palabas ng CR.
"Hoy!" sigaw ko at napatingin naman siya sakin. Agad akong lumapit sa kanya at saka tinitigan muna siya. Pinapakiramdaman kung iiyak siya o magiging kakaiba yung kilos niya.
"A-anong problema mo? Bakit ka nakatitig sakin?" utal niyang tanong sabay lakad at nilampasan ako. "Anong..." sabi ko bago marahang humarap sa kanya. "Anong ginawa sayo ni Nicole?" hindi siya lumingon sakin pero hindi rin siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Uhm..." sabi niya bago humarap sakin pero hindi siya tumitingin sa mga mata ko. Kinukut-kot niya yung mga daliri niya at stiff ang katawan niya. HAH! I knew it. Magsisinungaling siya sigurado. "Si-sinong Nicole?"
"Wag mo akong niloloko. Narinig ko lahat kanina." Sabi ko at bigla siyang tumingin ng masama sakin.
"Alam mo naman pala eh. Bakit mo pa tinatanong? Shunga lang?" inis niyang sabi sabay naglakad nanaman pabalik sa CR pero bigla ko siyang pinigilan at hinila siya sa braso niya. "Ano ba?!"
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...
