Chapter 25
-Kukie's POV-
"Good morning."
Napadilat ako nang marinig ko si Gino at bumungad sakin ang matamis niyang ngiti at agad namang tumalon yung puso ko.
Shet! Parang ngayon ko lang nakita si Gino na ngumiti ng ganito ah. Nakakahawa.
"Good morning."
Hinawi niya yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko at saka ako hinalikan sa noo.
OMG! Kinikilig ako. Shet! Totoo ba 'to?
Napanganga ako sa nakita kong nakahain sa harapan ko dito sa counter at napatingin kay Gino na nasa harapan ko at binalik sa Tuyo at Tinapa.
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya na gulong gulo sa kung bakit niya ginawa ito. Ito kasi ang first time na nagluto siya.
Napakamot siya ng batok niya at napatingin sa isda. "Uhm... I... honestly don't know." Sagot nya saka tumingin sakin. "Ikaw dapat ang nakakaalam kung ano yan diba? Sayo kaya yan."
"I mean... anong ibig sabihin nito?" pag-uulit ko sabay turo sa pagkain na nasa lamesa.
"Ah..." sabi niya sabay tawa. Napakamot siya sa ulo niya na parang bigla siyang nahiya.
Gosh. Ang cute pala ni Gino kapag nagba-blush?
Gusto ko sanang tumawa pero pinigilan ko nalang. Baka kasi bigla nalang bumalik sa dati si Gino. Mas gusto ko nang ganito siya. Sana forever na 'to.
Kaso napaka imposible non. Pano si Nicole? Mahal niya kaya yon.
Pero.... Diba, sinabi niya rin sakin na... mahal niya rin ako? Kagabi lang kaya yon.
"Hey."
Napabalik ako sa sarili ko nang marinig ko si Gino at napatingin sa kanya na may kunot ang noo niya.
"Ha?"
"You okay?"
"Uh... Oo naman." sagot ko sabay ngiti ng peke. "Kain na tayo." Aya ko nalang sa kanya. Ie-enjoy ko nalang 'to habang nasa akin pa siya.
-
-
-
-
Napatigil ako sa paghuhugas ng plato nang bigla nalang may yumakap mula sa likod ko at sa paglingon ko ay bigla namang sinalubong ng labi niya ang pisngi ko sabay bulong sa tenga ko;
"I love you."
Oh my gosh! Ang puso ko, nagwawala.
Wait wait wait. Ano bang isasagot ko? I love you, too?
Arrrggh! Oh my Goodness! Ang hirap pala ng ganito.
"Uhm... I- I- uhm... ano... iloveyo- AH!" OUCH! Punyemas! Nakagat ko yung dila ko. Ang sakit!
Narinig ko siyang tumawa ng sobrang hina pero parang pinigil niya ito saka niya ako hinarap sa kanya. Hay! Nakakahiya! Nakakainis!
"Are you alright?" pag-aalala niya habang nakatingin sa mukha kong pulang pula.
![](https://img.wattpad.com/cover/15642242-288-k741137.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceSNIPPETS: ** Hindi ko talaga maintindihan si Mama. Mag-aampon nalang ng tanga... yung reyna pa. ** "*sigh* Asar! Ano ba ito!? Nahawa na yata yung puso ko sa utak ni pandak. Magkaka-sakit yata ako." ** "Sariwa parin sa isip ko ang mga...